Paano kumuha ng lisensya?
Ang pagtatatag ng negosyo sa industriya ng brodkas ay sumusunod sa magkatuwang na prinsipyo ng pagpa-prangkisa: ang unang kailangan ng naghahangad na magmay-ari ng negosyong pambrodkas ay magrehistro sa Securities and Exchange Commission (SEC), tulad ng lahat ng pribadong korporasyon, para maumpisahan ang pag-iral ng korporasyon at simula ng negosyo sa Pilipinas. Ang susunod na hakbang ay humingi ng prangkisa mula sa Kongreso, na tinatawag din na primary franchise, na may taning na 25 taon, na napapailalim sa pag-renew o panibagong prangkisa. Ang paguumpisa ng bagong telebisyon o tanggapan ng media ay nangangailangan ng pahintulot ng National Telecommunication Commission (NTC) sa pamamagitan ng Certificate of Public Convenience and Necessity (CPC) – isang “ikalawang prangkisa”.
Gayunman, ang NTC ay lumalabas na tila walang kapangyarihan pagdating sa pagpapawalang bisa ng lisensya, na inilarawan ng kaso ng Divinagracia. Inalam ng Korte Suprema kung ang NTC ay may kapangyarihan na kanselahin ang mga lisensya ng pagpapatakbo [ng negosyo ng media] (mga ikalawang lisensya) kapag naibigay na ng Kongreso ang prangkisa para magpatakbo ng mga istasyon ng brodkas. Itinanggi ito ng Korte Suprema. Ang NTC ay walang kapangyarihan magkansela ng mga lisensya o mga CPC na ito mismo ang nag isyu, kahit na ang tanggapan ng gobyerno na inatasan ng pagpapalakad sa mga istasyon ng radyo ay mayroong kapangyarihan na ipinahahayag ng mandato ng batas. Sa halip, kailangan pa ng isa pang desisyon ng Kongreso - o sa ibang salita, isang batas – para mapahinto ang pagpapatakbo ng kinauukulang tanggapan ng media.
Bakit kailangan pa ng pagbibigay ng lisensya?
Kailangan ng pagbibigay ng lisensya dahil ang mga frequency na pang brodkas ay di-pangkaraniwang nakukuha. Kung walang kontrol ang gobyerno, ang medium ay mababale-wala dahil sa kakoponiya ng naglalabang mga boses, na wala ka na isang malinaw at tiyak na naririnig. Sa Metro Manila halimbawa, ang frequency ay limitado sa 23 mga physical spot para sa mga himpilan ng telebisyon, 32 mga spot para sa mga himpilan ng radyong AM, at 25 mga FM spot – at silang lahat ay nakuha na. Ganito rin ang nangyayari sa ibang mga punong-lungsod na lugar.
Ang mga limitadong airtime ang dahilan kung bakit ang Radio Spectrum Planning Division ng NTC ay itinatag para magbigay ng pang-matagalang polisiya sa pagpaplano, pakikipag-ugnayan, pamamahala at pangangasiwa sa paggamit ng ispektrum ng radyo sa loob ng bansa, at para mag bigay rin ng mga frequency band ng radyo para sa ibang mga serbisyo ng radyo ayon sa mga pandaigdig na regulasyon at pambansang prioridad.
Ang Cable TV ay hindi nangangailangan ng pangalawang prangkisa ngunit kailangan nito ng pahimtulot mula sa NTC. At, dahil ang mga babasahin at online media ay walang (kaparehong) pisikal na limitasyon, hindi nila kailangan ng partikular na prangkisa para sa media para magpatakbo (ng negosyo). Gayunman, ipinag-uutos ng batas na isang siglo nang umiiral sa mga tagapaglathala, patnugot, tagapamahala, may-ari at namumuhunan ng pahayagan na magrehistro sa Philippine Postal Corporation (ang dating Bureau of Posts) para mapakinabangan nila ang mga pribilehiyo sa paghahatid ng koreo.
Sources
Interview with the NTC (2016)
List of TV Stations (2016), NTC
List of AM Radio Stations (2016), NTC
List of FM Radio Stations (2016), NTC
Act No. 3846: The Radio Control Act (1931)
EXECUTIVE ORDER NO. 546 CREATING THE MINISTRY OF PUBLIC WORKS AND A MINISTRY OF TRANSPORTATION AND COMMUNICATIONS (1979)