This is an automatically generated PDF version of the online resource philippines.mom-gmr.org/en/ retrieved on 2024/09/08 at 18:03
Global Media Registry (GMR) & VERA Files - all rights reserved, published under Creative Commons Attribution-NoDerivatives 4.0 International License.
VERA Files LOGO
Global Media Registry

Lipunan

Sa paggamit ng media sa Pilipinas ngayon makikita kung gaano pinapaboran ng mga Pilipino ang screen-based media.

Nangunguna ang telebisyon sa lahat ng mga uri ng media sa bansa, sinusundan ng mobile, media sa labas ng bahay, ang Internet at radyo.

Sa buong sektor ng media, ang hinihiling ng merkado ay nagbibigay-daan sa pangangalap ng media ng balita na nakatutok sa mga hindi mahahalagang paksa, entertainment at pagtatanghal ng mga magkakatunggaling sikat na personalidad.

Bagaman talagang may mga pisikal na hamon sa pagpapakalat ng balita sa mga hiwa-hiwalay na isla ng estado, ang karunungang bumasa’t magsulat, bilang mahalagang personal na kondisyon para makakuha ng balita, ay hindi problema sa pangkalahatan. Ang antas ng may kakayahan magbasa at magsulat sa Pilipinas ay isa sa pinakamataas sa Asya: noong 2013, ang 96.5 porsyento ng 74 milyong Pilipino na 10 taong gulang pataas ay marunong magbasa’t magsulat, samantalang ang may kakayahan na mamuhay ng maayos at magtrabaho ay 90.3 porsyento. (FLEMMS 2013)

Tiwala ang Pilipino sa media — mas higit pa kaysa sa pulitika, negosyo at mga grupo na hindi sa gobyerno o NGO.

Ang simbahan ang itinuturing na pinaka-pinagkakatiwalaang institusyon sa bansa, kasunod ang akademya, ayon sa Philippine Trust Index (PTI) ng EON noon 2015.

Ang media ang pangatlo sa pinaka-pinagkakatiwalaan, una sa gobyerno, negosyo at NGOs.

Ipinahihiwatig nito ang medyo mataas na impluwensya ng media sa opinyon ng publiko, lalo na sa mga wala gaanong nalalaman na mahahalagang impormasyon, na lalong mas madali pa magtiwala.  

Ang telebisyon ang nananatiling pinaka-pinagkakatiwalaang pinagkukunan ng impormasyon (99%), sumunod ang radyo (58%), internet (44%), tabloid (38%), broadsheet (16%) at mga magazine (8%).

Ang tiwala sa online media ay tumaas din, habang ang tiwala sa ibang kilalang pinagkukunan ng impormasyon ay hindi na umusad o bumagsak pa.

Para sa impormasyon tungkol sa gobyerno, NGOs, at media, ang radyo ang sumunod sa telebisyon na ikalawang pinagkakatiwalaan.  Para sa bisnes, ang mga diyaryo ang ikalawang pinagkakatiwalaan.

“Kapag bumahing ang Maynila, ang buong bansa ay magkaka-pneumonia”

Ang Pilipinas ay isang kapuluang bansa na binubuo ng higit 7100 na isla. Sa kabila ng o dahil sa pagkakahiwa-hiwalay na ito, nangingibabaw ang Metro Manila na humantong sa malubhang pagkakaiba ng lungsod at lalawigan at kawalan ng balanse kaugnay ng hanay ng media at kultura ng pamamahayag (vgl. Tuazon 1998: 241).

Sa kabilang dako, ang sentralisasyong ito ay may epekto sa pisikal na balangkas ng balita: ito ay nakatutok sa mga lugar kung saan tiyak ang magandang kita sa pamumuhunan. Ito ang maaaring dahilan bakit kahit isang-katlo ng mga Pilipino ang hindi palagi nagbabasa ng pahayagan (pinagkukunan ng balita), at umaasa sa audio-visual media.

Ang internet ay nakapagbigay ng pag-asa para sa pagbabago tungo sa mas mainam na daan para makakuha ng balita sa lahat ng lugar sa kapuluan. Pero gaya ng dati, ang Maynila ay parang magnet: Ayon sa panayam sa National Telecommunication Commission (NTC, 2016), ang 70 porsyento ng web trapik ay nakatuon sa Metro Manila at hindi ito nakapagbibigay ng sapat na pang-ekonomiyang insentibo para sa mga Internet Service Providers na palawakin at pagbutihin ang broadband infrastructure at suplay sa kanayunan.

Ang nuclear pattern sa paligid ng Metro Manila at ibang pangunahing  lungsod, sa kabilang banda, ay may epekto rin sa nilalaman ng balita: ang pagre-report ng mga pangunahing network na naka-base sa Maynila, na nangangahulugan na ang mga tribo at ibang nasa minorya ay kadalasang wala sa agenda, maliban na lang sa panahon ng disaster at ibang mga kalamidad (FES report).

Wika

Wika ang pangunahing kailangan para magkaroon ng paraan maabot ng media — na minsan ay nakalilito sa bansang may 187 wika at diyalekto.  Ingles, Tagalog at pati na Taglish — ang kombinasyon ng dalawa — ang nagsisilbing wikang ginagamit at nauunawaan ng nakararami.

Ang pinakamalaking bahagi ng laman ng telebisyon at radyo ay Tagalog.   

Ang mga pahayagan, lalo na ang mga diyaryo tungkol sa negosyo at broadsheet na ang target ay mga nakaaangat sa lipunan at nakapag-aral sa kolehiyo, ay Ingles.  

Ang mga tabloid, na kadalasan ay mas mura at pumupuntirya sa mas malawak na mambabasa, ay Tagalog/Taglish. Mas mataas ang kanilang pass-on readership.

  • Project by
    VERA Files
  •  
    Global Media Registry
  • Funded by
    BMZ