Pulitika at Media
Ang teorya ay: ang pulitika ng Pilipinas ay ginagawa sa pampanguluhan, pang-kinatawan, at demokratikong republika, kung saan ang pangulo ang pinuno ng estado at ng pamahalaang may iba’t ibang partido. Ang lehislatura, ehekutibo, at panghukumang sangay ay hiwalay, nagsasarili at malaya.
Ang ehekutibong kapangyarihan ay ginagampanan ng gobyerno sa ilalim ng liderato ng pangulo. Ang kapangyarihan ng lehislatura ay itinalaga sa gobyerno at dalawang kapulungan ng kamara: ang Senado (ang mataas na kapulungan) at ang Kapulungan ng mga Kinatawan (ang mababang kapulungan). Ang panghukumang kapangyarihan ay ipinagkaloob sa mga korte at ang Korte Suprema ng Pilipinas ang pinakamataas na hukuman. Ang pambansang halalan ay ginaganap tuwing anim na taon.
Ang katotohanan ay: ang pulitika sa Pilipinas ay naiimpluwensiyahan ng mga pampulitikang dinastiya, at marami sa mga pangunahing kandidato ay kadalasang mga reeleksiyonista o mga kamag-anak ng mga nakaupo o dating pulitiko.
Pampamilyang kapakanan
Ipinakita ng pag-aaral noong 2012 ng Asian Institute of Management Policy na ang mga pampulitikal na dinastiya ay bumubuo ng 70 porsyento ng mga mambabatas na may sariling hurisdiksyon sa ika-15 Kongreso ng Pilipinas. Isiniwalat nito ang mga palatandaan na kailangan pag-isipan mabuti: ang mga dinastiyang pampulitika ay kadalasang nauuwi sa pangingibabaw ng mga pangunahing partidong pampulitika at, karaniwan, nasa mga lugar na may mababang pamantayan ng pamumuhay, mas mabagal na pag-unlad ng tao, at mas mataas na antas ng kawalan sa buhay. Ang mga miyembro ng dinastiyang pampulitika ay kadalasang mas mayayaman kaysa sa mga hindi miyembro.
Sa kanyang huling State of the Nation Address noong 2015, sinabi ni Pangulong Benigno Aquino III na panahon na para sa isang batas laban sa pampulitikang dinastiya na maglilimita sa dalawang miyembro lang ng isang pamilya na maaaring manungkulan (sa halal na posisyon) nang sabay.
Sa halalan ng 2016, ang mga Pilipino, dismayado sa mabagal na takbo ng pagbabago at sa maliit na pangkat na may hawak ng kapangyarihan nang ilang taon, ay bumoto para sa pagbabago at laban sa mga matataas na tao sa pulitika, clientelism, korapsyon, at krimen — at inihalal si Rodrigo Duterte, na nagsabing kaya niyang lutasin ang lahat ng mga problemang ito at itinuring na kandidato laban sa gobyerno.
Rodrigo Dutere: Tunay na laban sa oligarkiya?
Si Pangulong Rodrigo Roa Duterte mismo ang nagsabi na siya ay maglulunsad ng giyera hindi lamang laban sa ilegal na droga kundi laban din sa mga oligarka na kanyang inilarawan na mga “halimaw”. Ngunit kaugnay ng media, ang sektor ng negosyo kung saan ang mga makapangyarihang pamilya at kumpanya ay may malakas na posisyon — tulad ng napatunayan ng Media Ownership Monitor (link sa teaser relasyon ng pamilya) — mas gusto niyang atakehin ang mga mamamahayag kaysa gumawa ng mga hakbang laban sa mga oligarka at pagkasira ng merkado. Naging malinaw ito noong bisperas ng kanyang pag upo sa tanggapan bilang Pangulo, nang magbigay siya ng kontrobersyal na panayam kung saan sinabi niyang ang mga mamamahayag na napatay ay karamihan mas malamang na tiwali at kaya talagang inabot lang ang kanilang hinahanap. (Philippine Daily Inquirer, June 1, 2016). Hindi siya nagsisisi sa kanyang sinabi sa kabila ng pagbaha ng kritisismo na dumagsa sa panahong ang Pilipinas ay nananatiling isa sa pinakamapanganib na lugar sa buong mundo para sa mga mamamahayag.
Sources
Media Ownership Monitor Legal Assessment (2016), Romel R. Bagares
Inequality in democracy: Insights from an empirical analysis of political dynasties in the 15th Philippine Congress (2012), Ronald U. Mendoza; Edsel L. Beja Jr; Victor S. Venida & David B. Yap
GROWTH OF ADSPEND IN Q2 (2016), The Nielsen Company (Philippines) Inc.