This is an automatically generated PDF version of the online resource philippines.mom-gmr.org/en/ retrieved on 2024/12/12 at 06:15
Global Media Registry (GMR) & VERA Files - all rights reserved, published under Creative Commons Attribution-NoDerivatives 4.0 International License.
VERA Files LOGO
Global Media Registry

Media

Nakikita sa paggamit ng media sa Pilipinas kung paano pinapaboran ng mga Filipino ngayon ang media na gumagamit ng screen. Telebisyon ang nananatiling pinakapopular na media sa bansa, sinundan ng radyo, at ng Internet. Ang mga nakaimprentang pahayagan at magasin ay nawalan ng mambabasa dahil mas maraming Filipino ang bumabaling na sa bersyon na online bilang kombinasyon ng tradisyunal na media at bagong teknolohiya.

Ayon sa pag-aaral ng Strategic Consumer and Media Insights Incorporated (SCMI) kamakailan, ang nilalaman ay nananatiling hari - bilang makabuluhang puwersa sa paggamit ng media. Sa pag-aayos ng nilalaman ayon sa iba't ibang platform, ang bawat medium ay may kapangyarihan para palakasin ang iba. Kaya ang lahat ng mga pangunahing kumpanya ay aktibo sa magkabilang mga sektor ng media.

Media
  • Project by
    VERA Files
  •  
    Global Media Registry
  • Funded by
    BMZ