This is an automatically generated PDF version of the online resource philippines.mom-gmr.org/en/ retrieved on 2025/03/25 at 03:44
Global Media Registry (GMR) & VERA Files - all rights reserved, published under Creative Commons Attribution-NoDerivatives 4.0 International License.
VERA Files LOGO
Global Media Registry

NET 25

Ang NET25 ay isang istasyon ng telebisyon na libreng nagsasahimpapawid sa ultra high frequency na inilunsad noong 2000 at pag-aari ng Eagle Broadcasting Corporation ng Iglesia ni Cristo (INC). Nagpapalabas ito ng mga programa na nag-uulat ng balita at kasalukuyang pangyayari.Sa sariling website, ipinagmamalaki ng Eagle Broadcasting Corporation na ang NET25 ang may-ari ng “unang trilon tower ng telebisyon sa Pilipinas na 907 talampakan ang taas sa kapatagan sa ibabaw ng dagat, isang makabagong JAMPRO 48-panel antenna at dalawang 60 kW Acrodyne transmitter.”Ito ay sumasahimpapawid sa Metro Manila sa terrestrial TV at sa cable sa buong bansa at sa pamamagitan ng satellite sa Estados Unidos, Europa, Gitnang Silangan at sa Hilagang-Silangan ng Asya.Ang Iglesia ni Cristo ay isang Kristiyanong relihiyon na itinatag ng isang Filipino, si Felix Y. Manalo, sa Maynila at inirehistro sa gobyerno bilang isang simbahan noong Hulyo 27, 1914. Si Theoben Jerdan C. Orosa ang chairman of the board ng Eagle Broadcasting Corporation, na may 20 porsiyentong kaparte sa pagmamay-ari. Si Orosa ay manugang ni Eduardo V. Manalo. Si Manalo ay apo ng tagapagtatag ng Iglesia at ang kasalukuyang executive minister ng INC. Sinasabi ng INC na sila ay nasa higit 100 bansa sa buong daigdig. Sa bansa, mayroon silang 2,251,941 miyembro, ayon sa pinakahuling datos mula sa National Statistics Office.Ang INC ay gumagamit ng impluwensiya sa pulitika sa pamamagitan ng bloc voting o pagboto na parang isang pangkat sa panahon ng pambansa at lokal na eleksyon. Ilang araw bago mag eleksyon, ang mga miyembro ng INC ay binibigyan ng sample ballot na nakalagay ang mga pangalan ng kandidato na ineendorso ng pamunuan ng Simbahan. Ito ay maaaring mangahulugan ng 1.5 hanggang 1.8 milyong boto sa isang pambansang eleksyon kaya't ang simbahan ay napakamakapangyarihan at maimpluwensya.Pero hindi lahat ng mga kandidatong inendorso ng INC sa pagka-pangulo ay nanalo. Noong 1986 snap presidential election, tinalo ni Corazon Aquino ang nakaupong Pangulong Ferdinand Marcos, na sinuportahan ng INC. Noong 1992, si Fidel V. Ramos, na nanalo sa pagka-pangulo, ay hindi inendorso ng INC na sumuporta sa crony ni Marcos na si Eduardo M. Cojuangco Jr..Apat na kandidato sa pagka-pangulo ang inendorso ng INC na kinalaunan ay nanalo. Sila ay sina: Joseph Estrada sa 1998 halalan, Gloria Macapagal-Arroyo sa 2004 halalan, Benigno Aquino III sa 2010 halalan, at ang nakaupong Pangulong Rodrigo Duterte.Pinaniniwalaan ng marami na ang pamunuan ng simbahan ay nagrerekomenda sa Pangulo ng mga miyembro ng INC para sa mga posisyon sa gobyerno, lalung-lalo na sa hudikatura, Commission on Elections commissioner, at Bureau of Customs.

Pangunahing katotohanan

Parte o bahagi ng lahat ng mga tagapanood

Missing Data

Klase ng pagmamay-ari

pribado

Sakop na lugar

Pambansa

Uri/ klase ng nilalaman

Libre magsahimpapawid (VHF)

datos na magagamit ng publiko

datos kaugnay ng pagmamay-ari ay madali makuha mula sa ibang pinanggagalingan ng impormasyon, halimbawa mga pampublikong talaan at iba pa

2 ♥

mga kompanya o grupo ng media

Iglesia ni Cristo

Pagmamay-ari

Istraktura o balangkas ng pagmamay-ari

Ang NET 25 ay pag-aari ng Kristiyanong relihiyon na Iglesia Ni Cristo sa pamamagitan ng Eagle Broadcasting Network, kapatid na kumpanya ng Christian Era Broadcasting Service International Incorporated, na ang chairman ay si Eduardo Manalo, ang kasalukuyang executive minister ng Iglesia ni Cristo at apo ng tagapagtatag ng Iglesia na si Felix Manalo.

Grupo / Indibidwal na may-ari

Theoben Jerdan C. Orosa

Si Theoben Jerdan C. Orosa ay abogado at isa sa mga Board of Trustees ng New Era University, isang pribadong eskwelahan na pag-aari ng Iglesia ni Cristo. Siya ay abogado rin ng Iglesia ni Cristo at chairman of the board ng Eagle Broadcasting Corporation.

20%
mga kompanya o grupo ng media
Facts

Pangkalahatan na impormasyon

Taon ng pagkakatatag

2000

Tagapagtatag

Iglesia ni Cristo

impormasyon na tumutukoy sa mga interes sa mga kompanya ng media ng mga taong may relasyon sa tagapagtatag, lalo na mga ka-pamilya; impormasyon kaugnay ng klase at lawak ng mga interes ng tagapagtatag sa ibang organisasyon ng media at ibang sektor na pangkabuhayan; koneksiyon na pulitikal at panrelihiyon

Ang <Iglesia Ni Cristo>, http://iglesianicristo.net/

Punong Tagapagpaganap ng Kompanya

Missing Data

Punong Patnugot

Missing Data

Ibang mga importanteng tao

Eduardo V. Manalo

impormasyon na tumutukoy sa mga interes sa mga kompanya ng media ng mga ibang importanteng tao; impormasyon kaugnay ng klase at lawak ng mga interes ng mga importanteng tao sa ibang organisasyon ng media at ibang sektor na pangkabuhayan; koneksiyon na pulitikal at panrelihiyon

Iglesia ni Cristo’s current executive minister and grandson of the church’s founder Felix Manalo

Contact

Eagle Broadcasting CorporationEBC Bldg., No. 25 Central Ave.Culiat, Quezon City, 1128 Philippines Telephone Number: +632-784-7450 www.eaglebroadcasting.net/net25tv/

Impormasyon tungkol sa pananalapi

Kita (sa milyong dolyar)

Missing Data

Tubo mula sa operasyon (sa milyong dolyar)

Missing Data

Advertising (bilang % ng buong pondo)

Missing Data

Parte o bahagi sa kabuuang kita ng audiovisual media market

Missing Data

Karagdagang impormasyon

Meta Data

Eagle Broadcasting Corporation was granted a legislative franchise to operate on June 17, 1967 but NET 25 was launched on April 23, 2000. Conversion rate on Dec. 31, 2015: P 46.85

Sources Media Profile

2016. Securities and Exchange Commission. Financial Statement of Eagle Broadcasting Corporation (available upon request at SEC)

  • Project by
    VERA Files
  •  
    Global Media Registry
  • Funded by
    BMZ