This is an automatically generated PDF version of the online resource philippines.mom-gmr.org/en/ retrieved on 2024/12/12 at 00:05
Global Media Registry (GMR) & VERA Files - all rights reserved, published under Creative Commons Attribution-NoDerivatives 4.0 International License.
VERA Files LOGO
Global Media Registry

philstar.com

Inilunsad noong 1996, ang online portal ng The Philippine STAR ay naglalayong maabot ang pandaigdigang merkado.Bagaman ang ranggo nito ay hindi ipinakikita sa Effective Measure, inilagay ng website analytics na Alexa ang philstar.com sa ika-52 na pinakabinibisitang website sa bansa noong Nobyembre 14. Bukod sa Pilipinas, may mga tagasunod ito sa Estados Unidos, Saudi Arabia, Japan at Canada. Ayon kay STAR president Miguel Belmonte, hindi niya kailanman naisip na ang website ay maaaring kumita bago sumali ang kapatid niyang si Kevin at nagpatakbo ng online platform bilang hiwalay na kumpanya. “Ito ay medyo para sa katanyagan na kami ay maaga, isa sa mga una (na magkaroon ng website) … pero dagdag nga lang na gastusin,” sabi ni Miguel.Si Kevin Belmonte ang presidente at chief executive officer ng Philstar Global na nagpapatakbo ng website.Hastings Holdings, Incorporated, ang kumpanya sa ilalim ni Manuel V. Pangilinan, ang may 65 porsiyento ng pagmamay-ari ng Philstar Global. Ang Philstar Daily ay may 20 porsiyento ng pagmamay-ari, samantalang ang natitirang 15 porsiyento ay sa Azzurra Prime Ventures Holdings, Inc., na pag-aari ng mga magkakapatid na Belmonte -- sila Isaac, Joy, Kevin at Miguel. Tulad ng ibang online platform ng mga balita, ang website ay kumukuha ng nilalaman sa broadsheet ngunit kung minsan ay gumagawa rin ng sariling nilalaman.

Pangunahing katotohanan

Parte o bahagi ng lahat ng mga tagapanood

Missing Data

Klase ng pagmamay-ari

Pribado

Sakop na lugar

Pandaigdig

Uri/ klase ng nilalaman

Libre ang nilalaman

antas ng transparency, kung saan ang datos tungkol sa pagmamay-ari ng kompanya ay madali makuha kung hihilingin sa kompanya.

kapag hiniling, ang datos kaugnay ng pagmamay-ari ay madali makuha mula sa kompanya o istasyon

3 ♥

mga kompanya o grupo ng media

Hastings Holdings, Inc.

Pagmamay-ari

Istraktura o balangkas ng pagmamay-ari

Ang Hastings Holdings, isang kumpanya sa ilalim ng MediaQuest Holdings na pag-aari ni Manuel V. Pangilinan, ang may karamihan ng mga parte sa Philstar Global.

Grupo / Indibidwal na may-ari

Grupo / Indibidwal na may-ari

Philstar Daily, Inc.

Ang Philstar Daily Incorporated ang naglalathala ng broadsheet na Philippine Star, at 51 porsiyentong pag-aari rin ng Hastings Holdings.

20%
mga kompanya o grupo ng media
Facts

Pangkalahatan na impormasyon

Taon ng pagkakatatag

1996

Tagapagtatag

Missing Data

impormasyon na tumutukoy sa mga interes sa mga kompanya ng media ng mga taong may relasyon sa tagapagtatag, lalo na mga ka-pamilya; impormasyon kaugnay ng klase at lawak ng mga interes ng tagapagtatag sa ibang organisasyon ng media at ibang sektor na pangkabuhayan; koneksiyon na pulitikal at panrelihiyon

Missing Data

Punong Tagapagpaganap ng Kompanya

Juan Kevin Belmonte

impormasyon na tumutukoy sa mga interes sa mga kompanya ng media ng mga taong may kaugnayan sa punong tagapagpaganap ng kompanya, partikular ang mga ka-pamilya; impormasyon kaugnay ng klase at lawak ng mga interes ng punong tagapagpaganap ng kompanya sa ibang mga organisasyon ng media at ibang mga sektor na pangkabuhayan; koneksiyon na pulitikal at panrelihiyon

Si Kevin Belmonte ay kasapi rin sa namumuhunan sa broadsheet na Philippine Star at tabloid na Pilipino Star Ngayon. Ang ama niya ay si dating House Speaker Feliciano Belmonte, Jr. at ang kapatid na babae ang kasalukuyang Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte ay parehong nasa ilalim ng Liberal Party.

Punong Patnugot

Camille Diola

impormasyon na tumutukoy sa mga interes sa mga kompanya ng media ng mga taong may relasyon sa punong patnugot, lalo na mga ka-pamilya; impormasyon kaugnay ng klase at lawak ng mga interes ng punong patnugot sa ibang organisasyon ng media at ibang sektor na pangkabuhayan; koneksiyon na pulitikal at panrelihiyon

Bago naging patnugot ng philstar.com, si Camille Diola ay naging new media officer sa University of Asia and the Pacific.

Contact

6th Floor, RFM Corporate Center Pioneer St., Mandaluyong CityTelephone Number: +632-637-5400www.philstar.com

Impormasyon tungkol sa pananalapi

Kita (sa milyong dolyar)

1.58 Mil $ / 74.16 Mil P

Tubo mula sa operasyon (sa milyong dolyar)

0.41 Mil $ / 19.09 Mil P

Advertising (bilang % ng buong pondo)

Missing Data

Parte o bahagi sa kabuuang kita ng audiovisual media market

Missing Data

Karagdagang impormasyon

Meta Data

Conversion rate on Dec. 31, 2015: P 46.85
Data based on Audience share from Effective Measurement (2016).

Sources Media Profile

General Information Sheet of Philstar Global Inc. (available upon request at SEC) (2015), Securities and Exchange Commission (SEC)

  • Project by
    VERA Files
  •  
    Global Media Registry
  • Funded by
    BMZ