Sun.Star
Ang Sun.Star ay network ng mga community newspaper sa buong Pilipinas. Ito ay iniimprenta araw-araw sa Cebu, kung saan naka base ang punong kumpanya, pati sa Bacolod, Baguio, Cagayan de Oro, Davao at Pampanga. Ang nilalaman nito ay nakasulat ng Ingles at nilalathala na sukat tabloid.Sa kabila ng pagkakaroon ng halos parehong nilalaman, sabi ng presidente ng Sun.Star na si Julius Neri ang pahayagan at online na bersyon nito ay para sa iba't ibang mambabasa. "Ang hamon ngayon ay kung paano makukuha ang mga millenial na magbasa ng pahayagan at paano mahahatak ang mga tradisyunal na mga tao na magbasa online," aniya.Ang Sun.Star Cebu ay inilalathala ng SunStar Publishing, Incorporated. Ang magkakaibang network sa iba't ibang probinsya ay pag-aari at pinamamahalaan ng iba ibang tao ngunit si Neri ang common denominator dahil siya ay nakaupo sa bawat board bilang miyembro. Ang Sun.Star ay naglalathala din ng SuperBalita sa Bisaya, ang lokal na wika, sa Cebu, Cagayan de Oro at Davao. Balita ay nangangahulugang "balita" sa Bisaya at ang pambansang wika ay Filipino.Ang Sun.Star Publishing Incorpporated ay pag-aari ng Armson Corporation, isang holding company na pag-aari ng mayamang angkan ng mga Garcia sa Cebu na may 30 porsiyentong parte. Samantala, ang 27 porsiyentong parte ay pag-aari ng White Gold, Inc., isang kumpanya ng angkan ng mga Gaisano, na nagmamay-ari rin ng Gaisano Malls.
Parte o bahagi ng lahat ng mga tagapanood
Missing Data
Klase ng pagmamay-ari
pribado
Sakop na lugar
pang probinsya
Uri/ klase ng nilalaman
bayad ang nilalaman
mga kompanya o grupo ng media
SunStar Publishing, Inc.
Istraktura o balangkas ng pagmamay-ari
Ang Sun.Star Publishing Inc., pag-aari ng pamilya Garcia, ang namamahala sa Sun.Star Cebu at sa online platform nito, ang sunstar.com.ph. Bawat pang-rehiyon na pahayagan ay may ibang grupo ng may-ari at opisyal.
Grupo / Indibidwal na may-ari
Armson Corporation
Ang Armson Corporation ang holding company na pag-aari ng angkan ng mga Garcia sa Cebu.
White Gold, Inc.
Ang White Gold Incorporated ay isang wholesale at retail trade na negosyong pag-aari ng pamilya Gaisano, na may-ari rin ng Gaisano Grand Malls sa Visayas at Mindanao.
Francisco Dizon
Bukod sa paglalathala (ng babasahin), si Francisco Dizon ay may interes din sa mga industriya ng banking, finance, software development at human resource.
Pangkalahatan na impormasyon
Taon ng pagkakatatag
1982
Tagapagtatag
Missing Data
impormasyon na tumutukoy sa mga interes sa mga kompanya ng media ng mga taong may relasyon sa tagapagtatag, lalo na mga ka-pamilya; impormasyon kaugnay ng klase at lawak ng mga interes ng tagapagtatag sa ibang organisasyon ng media at ibang sektor na pangkabuhayan; koneksiyon na pulitikal at panrelihiyon
Missing Data
Punong Tagapagpaganap ng Kompanya
Jesus B. Garcia, Jr. Chairman
impormasyon na tumutukoy sa mga interes sa mga kompanya ng media ng mga taong may kaugnayan sa punong tagapagpaganap ng kompanya, partikular ang mga ka-pamilya; impormasyon kaugnay ng klase at lawak ng mga interes ng punong tagapagpaganap ng kompanya sa ibang mga organisasyon ng media at ibang mga sektor na pangkabuhayan; koneksiyon na pulitikal at panrelihiyon
Si Jesus B. Garcia, Jr. ay dating kalihim ng Department of Transportation and Communications.
Punong Patnugot
Isolde D. Amante (Cebu)
impormasyon na tumutukoy sa mga interes sa mga kompanya ng media ng mga taong may relasyon sa punong patnugot, lalo na mga ka-pamilya; impormasyon kaugnay ng klase at lawak ng mga interes ng punong patnugot sa ibang organisasyon ng media at ibang sektor na pangkabuhayan; koneksiyon na pulitikal at panrelihiyon
Si Isolde Amante ay umasenso sa SunStar Cebu, nag umpisa bilang copy editor.
Contact
Sun.Star Building, P. del Rosario St., Cebu City Telephone Number: +032-254-6100 Fax Number: +032-253-7256sunstar.com.ph
Impormasyon tungkol sa pananalapi
Kita (sa milyong dolyar)
Missing Data
Tubo mula sa operasyon (sa milyong dolyar)
Missing Data
Advertising (bilang % ng buong pondo)
Missing Data
Parte o bahagi sa kabuuang kita ng audiovisual media market
Missing Data
Karagdagang impormasyon
Sources Media Profile
Financial Statement of Sunstar Publishing Incorporated (available upon request at SEC) (2008), Securities and Exchange Commission (SEC)
General Information Sheet of Sunstar Publishing Incorporated (available upon request at SEC) (2014), Securities and Exchange Commission (SEC)
Phone interview with Sun.Star president Julius Neri