This is an automatically generated PDF version of the online resource philippines.mom-gmr.org/en/ retrieved on 2024/09/08 at 19:18
Global Media Registry (GMR) & VERA Files - all rights reserved, published under Creative Commons Attribution-NoDerivatives 4.0 International License.
VERA Files LOGO
Global Media Registry

Radyo

Radio Database

Radyo ang ikalawa sa pinakaginagamit at pinakapinagkakatiwalaang pagkukunan ng pampulitikang impormasyon sa Pilipinas. Noong 2013, tinatayang dalawang ikatlong bahagi ng populasyon ng bansa ang nakikinig sa radyo, na may 41.4 porsiyento ng tagapakinig minsan sa isang linggo, ayon sa Philippine Statistics Authority. Nananatili rin itong pinakalaganap na media na nakakaabot kahit na sa pinakaliblib na mga lugar sa bansa.

Nakikinig ang mga tao sa FM kaysa sa AM na istasyon ng radyo halos 90 porsiyento ng panahon. Ang mga istasyon na FM ay nakapokus ang nilalaman unang una sa musika samantalang ang mga istasyon na AM ay nag-uulat ng mga balita, kasalukuyang pangyayari, serbisyo publiko, seryal na drama at mga programa na tumatalakay sa mga napapanahong isyu. Noong Hunyo 2016, may 416 istasyon na AM at 1,042 istasyon na FM stations sa buong bansa, kasama na ang mga aplikason na hindi pa napagpapasyahan, batay sa datos mula sa National Telecommunication Commission (NTC).

Konsentasyon sa merkado ng AM na istasyon ng radio

Ang konsentrasyon sa merkado ng istasyon ng radyo na AM ay mataas, at ang mga nangingibabaw na conglomerate ng media na ABS-CBN Corporation at GMA Network ang nangunguna pa rin, tulad ng sa telebisyon. Ayon sa datos ng Radio Audience Measurement ng Nielsen mula Enero hanggang Hunyo 2016, ang istasyon ng radyo ng ABS-CBN, ang DZMM 630, ay may piniling audience share na 24.9 porsiyento samantalang ang DZBB 594 ng GMA ay may 22.3 porsiyento. Kapansin-pansin na ang istasyon ng radyo ng gobyerno, ang DZRB 738, at ang DZBB ay tabla sa ikalawang puwesto. Samantala, ang DZRH 666 ng Manila Broadcasting Company (MBC) ay pang-apat, na may 15 porsiyento ng piniling audience share. Kapag pinagsama-sama, ang apat na istasyong ito ay may kabuuang audience share na 83.5 porsiyento.

Habang ang DZRH 666 ay pumang-apat lamang sa popularidad, ang pangunahing istasyon na AM ng MBC ang may pinakamalawak na maaabot dahil nakakonekta ito sa satellite. Kayang abutin ng signal nito ang 97 porsiyento ng bansa sa pamamagitan ng ilang mga tagapaghatid na istasyon. Ang MBC ay may 19 pang AM at 142 na FM na mga istasyon sa buong bansa. Samantala, ang Radio Mindanao Network, isang pang pambrodkas na network, ay may 20 AM at 24 na FM na istasyon.

  • Project by
    VERA Files
  •  
    Global Media Registry
  • Funded by
    BMZ