Pagmamay-ari ng media
Karamihan ng mga kumpanya ng media sa Pilipinas ay nasa lilim ng dalawang higante ng brodkas: ang ABS-CBN Corporation at GMA Network Incorporated na nangingibabaw sa industriya ng media sa Pilipinas pagdating sa lakas ng hatak sa merkado at layo ng naaabot na manonood na nagbibigay sa kanila ng malaking potensyal na humubog ng opinyon ng madla.
At sino-sino ang mga may-ari ng mga kumpanyang ito?
Pagdating sa pagliliwanag sa mga taong nagpapatakbo ng media sa pamamagitan ng kanilang kumpanya, isang bagay ang maliwanag: sa kabila ng mataas na bilang ng mga umiiral na ahensya ng media at inilalarawan na isa sa pinakamalayang media sa rehiyon, ang media sa Pilipinas ay pag-aari pa rin ng at nakasandal sa iilang tao may impluwensya sa kabuhayan at pulitika. Limang pamilya sa listahan ng Forbes magazine ng pinakamayayaman sa Pilipinas sa taong 2016 ay may koneksyon sa media, apat sa kanila ang kumita nang husto dahil sa media.