SunStar Publishing, Inc.
SunStar Publishing Incorporated ang nangangasiwa sa SunStar Cebu at sa website na sunstar.com.ph. Ang ibang Sun.Star na pahayagan sa ibang mga probinsya ay pinamamahalaan ng ibang mga kumpanya at executive, pero ang presidente ng Sun.Star Cebu na si Julius Neri ay umuupo sa bawat board bilang chairman. Bukod sa Cebu, ang Sun.Star ay nag-iimprenta sa Bacolod, Baguio, Cagayan de Oro, Davao at Pampanga. Samantala, mayroon itong mga bersyon ng online na babasahin sa Maynila, Dumaguete, Iloilo, Pangasinan at Zamboanga. Tanging Sun.Star Baguio at Pangasinan lang ang may rekord sa Securities and Exchange Commission, pero ang pinakahuling General Information Sheet ng dalawang kumpanya ay noon pang 2007 at 2001, alinsunod sa pagkakasunod. Ang SunStar Publishing Incorporated ay naglalathala rin ng SuperBalita, isang tabloid sa wikang Bisaya, sa Cebu, Cagayan de Oro at Davao. Sa kabila ng teknolohiya ngayon, ang naka imprentang babasahin ang nagpapasok ng mas malaking kita mula sa mga patalastas kumpara sa online, sabi ni Neri. "Maraming maraming pamimilian online kaysa sa naka imprentang babasahin kaya (maraming) kakumpetensya online at saka nagbabago rin ang orientasyon (ng media): anong uri ng mga patalastas ang epektibo, paano mo pupuntiryahin ang angkop na merkado," sabi ni Neri sa magkahalong Ingles at Filipino. Pinupunuan ng Sun.Star ang kakulangan ng mga pambansang broadsheet: naghahatid sila ng balita mula sa mga probinsya. “I don’t think the...so-called national papers are really national because they are really papers of the National Capital Region and some news about the province,” he said. "Sa tingin ko ang mga tinatawag na pambansang pahayagan ay hindi tunay na pambansa dahil sila ay mga pahayagan talaga ng National Capital Region at may kaunting balita lang na pang probinsya," aniya. Among the audience of Sun.Star, Neri said, are overseas Filipino workers (OFWs). Kasama sa mga sumusunod sa Sun.Star, sabi ni Neri, ay mga manggagawang Filipino na nasa ibang bansa (OFW). “All over the world may Pilipino, ‘di ba? "Sa buong mundo may Pilipino, di ba? So other than being Filipino, kung OFW ka, Cebuano ka, or Davaoeno, Pampangueno, whatever (There are Filipinos all over the world. Other than being Filipino, you also come from different provinces. You can be a Cebuano, Davaoeno or Pampangueno, whatever),” Neri said. Kaya bukod sa pagiging Filipino, kung OFW ka, Cebuano ka, o Davaoeno, Pampangueno, kahit na ano," sabi ni Neri. If you are from Cebu, Neri added, why would you care if a congressman in Quezon City pocketed public funds? Kung ikaw ay mula sa Cebu, dagdag ni Neri, bakit ka mababahala kung ang kinatawan ng Quezon City ay nagbulsa ng pampublikong pondo? People would rather know what happened in the Sinulog festival. Mas gusto ng mga tao na malaman ano ang nangyari sa Sinulog Festival. “We’re catering to specific communities,” he added. "Tumututok kami sa mga partikular na komunidad," dagdag niya. Ang SunStar Publishing Incorporated ay pag-aari ng Armson Corporation, isang holding company na pag-aari ng mayamang angkan ng mga Garcia sa Cebu na may 30 porsiyentong parte. Samantala, ang 27 porsiyentong parte ay pag-aari ng White Gold Incorporated, isang kumpanya ng angkan ng mga Gaisano, na may-ari rin ng Gaisano Malls.
Uri/klase ng negosyo
Pribado
Legal Form
Korporasyon
Mga sektor ng negosyo
paglalathala (print at online)
Armson Corporation
Ang Armson Corporation ay holding company na pag-aari ng angkan ng mga Garcia sa Cebu.
White Gold, Inc.
Ang White Gold Incorporated ay isang wholesale at retail trade na negosyong pag-aari ng pamilya Gaisano, na may-ari rin ng Gaisano Grand Malls sa Visayas at Mindanao.
Francisco Dizon
Bukod sa paglalathala, si Francisco Dizon ay nasa industriya ng banking, finance, software development at human resource.
Iba pang mga ahensiya ng print
Sun.Star Bacolod
Sun.Star Baguio
Sun.Star Cagayan de Oro
Sun.Star Cebu
Sun.Star Davao
Sun.Star Pampanga
SuperBalita
Iba pang mga Ahensiya na Online
sunstar.com.ph
Negosyo sa media
Publishing
SunStar Publishing, Inc.
Pangkalahatan na impormasyon
Taon ng pagkakatatag
1982
Tagapagtatag
Missing Data
Impormasyon na tumutukoy sa mga interes sa mga kompanya ng media ng mga taong may relasyon sa tagapagtatag, lalo na mga ka-pamilya; impormasyon kaugnay ng klase at lawak ng mga interes ng tagapagtatag sa ibang organisasyon ng media at ibang sektor na pangkabuhayan; koneksiyon na pulitikal at panrelihiyon
Missing Data
Mga Empleyado
Rank and File: 230 # Manpower Complement: 233
Contact
Sun.Star Building, P. del Rosario St. Cebu CityTelephone Number: +032-254-6100Fax Number: +032-253-7256www.sunstar.com.ph
Tax/ ID Number
000-565-060
Impormasyon tungkol sa pananalapi
Kita (datos ng pananalapi/opsiyonal)
4.98 Mil $ / 233.46 Mil P
Tubo mula sa operasyon ng negosyo (sa milyong dolyar)
0.55 Mil $ / 25.71 Mil P
Patalastas (bilang % ng buong pondo)
Missing Data
Namamahala
Lupon ng tagapagpaganap at interes ng lupon ng tagapagpaganap
Si Jesus B. Garcia, Jr. ang Chairman ng SunStar Publishing Incorporated.
Si Nelia G. Neri ang patnugot ng SunStar Publishing Incorporated.
Si Gina Atienza ang Executive Publisher ng SunStar Publishing Incorporated.
Si Julius G. Neri, Jr. ang Presidente at General Manager ng SunStar Publishing Incorporated.
Si Joyce G. Dizon ang Vice President for Marketing ng SunStar Publishing Incorporated.
Si Dale B. Garcia ay ingat-yaman ng SunStar Publishing Incorporated.
Si Jess Anthony N. Garcia ay Corporate Secretary ng SunStar Publishing Incorporated.
Karagdagang impormasyon
Meta Data
Conversion rate on Dec. 31, 2015: P 46.85.
Financial data as of 2008.
Audience share based on Nielsen’s National Urban TV Audience Measurement (TV, Jan-August 2016), Nielsen's Consumer and Media View (Print, Jan-August 2016), Audience share from Nielsen's Radio Audience Measurement (Radio, Jan-August 2016), Effective Measurement (2016).
Pinanggagalingan ng impormasyon o datos
Financial Statement of Sunstar Publishing Incorporated (available upon request at SEC) (2008), Securities and Exchange Commission (SEC)
General Information Sheet of Sunstar Publishing Incorporated (available upon request at SEC) (2014), Securities and Exchange Commission (SEC)
Phone interview with Sun.Star President Julius Neri (2016)
General Information Sheet of Armson Corporation. (available upon request at SEC)(2015) Securities and Exchange Commission.
General Information Sheet of Sunstar Publishing, Inc. (available upon request at SEC) (2014) Securities and Exchange Commission.