This is an automatically generated PDF version of the online resource philippines.mom-gmr.org/en/ retrieved on 2024/09/08 at 19:20
Global Media Registry (GMR) & VERA Files - all rights reserved, published under Creative Commons Attribution-NoDerivatives 4.0 International License.
VERA Files LOGO
Global Media Registry

Mga Palatandaan ng mga Panganib sa Pluralismo ng Media

Konsentrasyon ng mga sumusunod sa media

Layunin ng palatandaang ito na tasahan ang konsentrasyon ng manonood, taga-pakinig at mambabasa sa lahat ng uri ng media batay sa audience share. Ang konsentrasyon ay sinukat gamit ang nangungunang apat na may-ari sa merkado.

Resulta:

Sa mataas na konsentrasyon ng merkado sa telebisyon at radyo, ang mababang konsentrasyon sa merkado ng babasahin, ang konsentrasyon ng sumusunod sa media ay nalalagay sa MATAAS NA PANGANIB ng pluralismo o pagkamarami ng media sa Pilipinas.

Bakit?

Ang merkado ng telebisyon ay mataas ang konsentrasyon, dahil ang apat na pangunahing may-ari, ang ABS-CBN Corporation, GMA Network Incorporated, TV5 Network Incorporated at Nine Media Corporation, ay kumakatawan ng 88.77 porsiyento ng audience share. Ang resulta ay lalong kapansin-pansin kahit na ang dalawang pinakamalaking kumpanya – ang ABS-CBN Corporation at GMA Network Incorporated -- ay isang duopoly, na matibay ang hawak sa 80.72 porsiyento ng audience share. Kaugnay nito, ang pang-apat na pinakamalaking network (Nine Media Corporation) ay napakaliit ang naaabot na manonood, 0.45 porsiyento lamang. Ang ABS-CBN ay pag-aari ng isa sa pinakamayaman at pinakamatatag na mga angkan - ang pamilya Lopez. Ang GMA Network ay hawak ng tatlong ma-impluwensiyang negosyante -- Gilberto Duavit Sr. at pamilya, Menardo Jimenez at pamilya, at Felipe Gozon at pamilya. Nine Media Corporation ay pinatatakbo ni Antonio Cabangon-Chua. Ang TV5 Network Incorporated ay pag-aari ng MediaQuest Holdings Incorporated, ang holding company ng mass media conglomerate ng Beneficial Trust Fund ng PLDT. Ito ay pag-aari ng negosyanteng si Manuel V. Pangilinan (na pinuno rin ng iba't ibang mga negosyo sa Pilipinas) ngunit sa huli ay maaaring matunton sa First Pacific group of companies ng negosyanteng Indonesian na si Anthoni Salim.

Mga istasyon na AM ang pinapakinggan ng naghahanap ng balita. Mga istasyon na FM, sa kabilang dako, ay karamiha'y nagpapatugtog ng musika. Ang mga taga-pakinig ay pumupunta sa mga istasyon na AM kapag naghahanap ng balita at samakatuwid parang nahuhubog ang kanilang opinyon. Para sa unang 4 na kumpanya ng radyo na nagpapatakbo ng popular na mga istasyon na AM at aktibo sa merkado ng radyo, ang ABS-CBN Corporation (DZMM 630, 24.9 porsiyento) at GMA Network Incorporated (DZBB 594, 22.3 porsiyento) ay namumukot tangi bilang mga pangunahing istasyon. Ang Philippine Broadcasting Service-Bureau of Broadcast Services (PBS-BBS), na pinatatakbo ng Presidential Communications Operations Office (PCOO), ay nakaaabot ng 22.3 porsiyento ng taga-pakinig sa pamamagitan ng DZRB 738. Kung kasama ang pang-apat na pinakamalaking kumpanya, ang Manila Broadcasting Company, sila ay makaaabot ng 84.3 porsiyento ng taga-pakinig – na kaparehong mataas na konsentrasyon sa merkado ng balita sa radyo. Bukod sa gobyerno, ang mga Lopez (ABS-CBN Corporation), ang koneksyon na Duavit/Jimenez/Gozon (GMA Network Incorporated), at ang pamilya Elizalde (Manila Broadcasting Company) ay may posisyon sa merkado ng radyo.

Tala: Sa lahat ng oras (100 porsiyento) na ang radyo ay pinakikinggan, ang 89 porsiyento ng oras ay sa mga istasyon na FM, at 12 porsiyento lang ang sa mga istasyon na AM. Ipinakikita nito na ang mga Filipino ay gumagamit ng radyo para makinig ng musika kaysa para alamin ang balita

Ang Unang 4 na kumpanya ng babasahin ay pare-parehong nasa iisang liga, sa pagitan ng 13 at 20 porsiyento ng audience share bawat isa. Ang mga markang ito ay hindi maisuma* dahil kabilang dito ang mga duplication. Ang konsentrasyon ng media ay mukang mababa dahil ang pagmamay-ari ay nakakalat sa ilang mga personalidad na may pare-parehong posisyon sa merkado. Ang babasahin ay mukhang popular na negosyong pang-pamilya: ang pamilya Macasaet hawak ang Monica Publishing Corporation, ang pamilya Yap pag-aari ang Manila Bulletin Publishing Corporation, Inquirer Holdings ay sa pamilya Rufino-Prieto. Ang pamilya Sison, ang may-ari ng Sison's Publishing Corporation na naglalabas ng pinaka-binabasang tabloid, ang Bulgar, ay nananatiling misteryoso -  kakaunting impormasyon ang makikita tungkol sa kanila. 

*Tala: Ito ay proxy lamang. Ang Nielsen ay nagbigay ng mga datos sa “incidents of readership”, na nagtatasang may humigit kumulang 40.6 milyong Filipino ang maaaring nagbabasa ng mga pahayagan at magasine sa mga lungsod sa buong Pilipinas. Ang mga ito ay iniugnay sa bilang ng mga taong tunay na nagbabasa ng pahayagan kahit minsan isang linggo, kabuuang 27.8 porsiyento (FLEMMS Report 2013) – na ipinako sa 100 porsiyentong audience share. Ang mga ‘insidente ng pagbabasa' ay mga datos na hindi maaaring sumahin dahil kabilang dito ang mga ilang ulit na pagbilang.

Para sa merkado ng balita online, ang datos na mayroon ay sa unique visitors, hindi bilang audience share. Ito ay hindi maaring kwentahin na audience concentration para sa merkado ng balita online. Ang pinakapopular na mga website, gayunman, ay pag-aari lahat ng mga kumpanya na naglalathala sa ibang ahensya ng media, na nagpapalakas ng kanilang presensiya na cross-media. Ang merkado ng Internet Service Provider (ISP) bilang haligi ng imprastruktura ng online, gayunman, ay mataas ang konsentrasyon na may humigit kumulang na dalawang pangunahing kumpanya - ang PLDT/Smart at Globe Telecom - na nagtatakda ng mga kondisyon at presyo.

MABABA (1)KATAMTAMAN (2)MATAAS (3)
Konsentrasyon ng manonood sa telebisyon (pahalang)
Bahagdan: 88.77% (based on Nielsen’s TV Audience Measurement, January-August 2016).
  • ABS-CBN Corporation: 40.99% (ABS-CBN2: 37.58%, ABS-CBN Sports and Action: 3.41%)
  • GMA Network: 39.73% (GMA7: 35.95% , GNTV: 3.78%)
  • TV5 Network: 7.6% (TV5)
  • Nine Media Corporation: CNN Philippines (0.45%)   
Kung sa loob ng isang bansa ang apat na pangunahing may-ari (Unang 4) ay may audience share na mababa sa 25%. Kung sa loob ng isang bansa ang apat na pangunahing may-ari (Unang 4) ay may audience share na sa pagitan ng 25% at 49%     Kung sa loob ng isang bansa ang apat na pangunahing may-ari (Unang 4) ay may audience share na higit 50%.    
Konsentrasyon ng taga-pakinig sa radyo (pahalang)    
Bahagdan: 84.3% (Nielsen’s Radio Audience Measurement, RAM, Jan-Aug 2016)
  • ABS-CBN Corporation: 24.9% (DZMM 630)
  • GMA Network: 22.3% (DZBB 594)
  • Philippine Broadcasting Service-Bureau of Broadcast Services (PBS-BBS): 22.3% (DZRB 738)
  • Manila Broadcasting Company: 15% (DZRH 666)  
 
Kung sa loob ng isang bansa ang apat na pangunahing may-ari (Unang 4) ay may audience share na mababa sa 25%.     Kung sa loob ng isang bansa ang apat na pangunahing may-ari (Unang 4) ay may audience share na sa pagitan ng 25% at 49%    .  Kung sa loob ng isang bansa ang apat na pangunahing may-ari (Unang 4) ay may audience share na higit 50%.    
Konsentrasyon ng mambabasa sa pahayagan (pahalang)    

Bahagdan: mga insidente ng pagbabasa ay hindi isinusumang numero dahil kabilang dito ang duplikasyon (Nielsen’s “Consumer and Media View” , Jan-Aug 2016) were not added up, as they include duplications. shares were set in relation with population exposed to newspapers = 27.8% (PSA)

  • Sison's Publishing Corporation: 19.96% (Insidente ng pagbabasa mula sa Nielsen: 1.92 = Bulgar, 1.92)

  • Monica Publishing Corporation: 14,97%  (Insidente ng pagbabasa mula sa Nielsen: 1.44 = Abante, 1.17; Abante Tonite, 0.27)

  • Inquirer: 13.93% (Insidente ng pagbabasa mula sa Nielsen: 1.34 = Philippine Daily Inquirer, 0.65; Bandera, 0.55; Sunday Inquirer Magazine, 0.14) 

  • Manila Bulletin Publishing Corporation: 13.31 (Insidente ng pagbabasa mula sa Nielsen:  1.28 = Manila Bulletin, 0.80; Balita, 0.38;Tempo 0.1)
Kung sa loob ng isang bansa ang apat na pangunahing may-ari (Unang 4) ay may mambabasa na mababa sa 25%.     Kung sa loob ng isang bansa ang apat na pangunahing may-ari (Unang 4) ay may mambabasa na sa pagitan ng 25% at 49%     Kung sa loob ng isang bansa ang apat na pangunahing may-ari (Unang 4) ay may mambabasa na higit 50%.    
Konsentrasyon ng sumusunod sa Internet (pahalang)    
Bahagdan: audience share ay hindi magagamit, bilang ng unique visitor lang ang mayroon    
Kung sa loob ng isang bansa ang apat na pangunahing may-ari (Unang 4) ay may audience share na mababa sa 25%.     Kung sa loob ng isang bansa ang apat na pangunahing may-ari (Unang 4) ay may audience share na sa pagitan ng 25% at 49%     Kung sa loob ng isang bansa ang apat na pangunahing may-ari (Unang 4) ay may audience share na higit 50%.    

Konsentrasyon ng Pagmamay-ari ng Media

Ang palatandaan na ito ay naglalayong tasahan ang pahalang na konsentrasyon ng pagmamay-ari batay sa kaparte sa merkado na nagpapakita ng pang-ekonomiyang kapangyarihan ng mga kumpanya/grupo. Ang konsentrasyon ay sinusukat para sa bawat sektor ng media sa pamamagitan ng pagsuma sa kaparte sa merkado ng mga pangunahing may-ari sa sektor.

Resulta:

Ang konsentrasyon ng pagmamay-ari ng media batay sa kaparte sa merkado ay hindi makwenta. Habang sa Securities and Exchange Commission ay maaaring makuha ang datos tungkol sa pananalapi (kita, advertising etc.) ng bawat kumpanya sa kabuuan - humigit-kumulang isinapanahon – walang datos para sa a) kaparte sa merkado at b) bawat sektor ng media. Ang konsentrasyon para sa lahat ng sektor ng media na magkakasama ay sinuri bilang konsentrasyon na cross-media (à link to indicator cross-media concentration).

Score:

MABABA (1)KATAMTAMAN (2)MATAAS (3)
Konsentrasyon ng pagmamay-ari sa telebisyon (pahalang): Ang palatandaang ito ay naglalayon na tasahan ang konsentrasyon ng pagmamay-ari sa sektor ng telebisyon.    
Bahagdan: hindi natasahan    
Kung sa loob ng iisang bansa ang apat na pangunahing may-ari (Top 4) ay may kaparte sa merkado na mababa sa 25%.     Kung sa loob ng iisang bansa ang apat na pangunahing may-ari (Top 4) ay may kaparte sa merkado na sa pagitan ng 25% at 49%.     Kung sa loob ng iisang bansa ang apat na pangunahing may-ari (Top 4) ay may kaparte sa merkado na higit 50%.    
Kung sa loob ng iisang bansa ang apat na pangunahing may-ari (Top 4) ay may kaparte sa merkado na higit 50%.      
Bahagdan: hindi natasahan     
Kung sa loob ng iisang bansa ang apat na pangunahing may-ari (Top 4) ay may kaparte sa merkado na mababa sa 25%.     Kung sa loob ng iisang bansa ang apat na pangunahing may-ari (Top 4) ay may kaparte sa merkado na sa pagitan ng 25% at 49%.      Kung sa loob ng iisang bansa ang apat na pangunahing may-ari (Top 4) ay may kaparte sa merkado na higit 50%.    
Konsentrasyon ng pagmamay-ari sa pahayagan (pahalang): Ang palatandaang ito ay naglalayon na tasahan ang konsentrasyon ng pagmamay-ari sa sektor ng babasahin.    
Bahagdan: hindi natasahan        
Kung sa loob ng iisang bansa ang apat na pangunahing may-ari (Top 4) ay may kaparte sa merkado na mababa sa 25%.     Kung sa loob ng iisang bansa ang apat na pangunahing may-ari (Top 4) ay may kaparte sa merkado na sa pagitan ng 25% at 49%.     Kung sa loob ng iisang bansa ang apat na pangunahing may-ari (Top 4) ay may kaparte sa merkado na higit 50%.    
Konsentrasyon ng pagmamay-ari sa nagbibigay ng nilalaman ng Internet:    
Bahagdan: hindi natasahan       
Kung sa loob ng iisang bansa ang apat na pangunahing may-ari (Top 4) ay may kaparte sa merkado na mababa sa 25%.      Kung sa loob ng iisang bansa ang apat na pangunahing may-ari (Top 4) ay may kaparte sa merkado na sa pagitan ng 25% at 49%.    .  Kung sa loob ng iisang bansa ang apat na pangunahing may-ari (Top 4) ay may kaparte sa merkado na higit 50%.     

Patakarang Pananggol: Konsentrasyon ng Pagmamay-ari ng Media (pahalang)

Ang palatandaang ito ay naglalayong tasahan ang pag-iral at epektibong implementasyon ng mga patakarang pananggol (tiyak sa sektor at/o batas ng kompetisyon) laban sa mataas na pahalang na konsentrasyon ng magmamay-ari at/o kontrol sa ibang media.

Resulta:

Ang mga patakarang pananggol para pigilan ang konsentrasyon ng pagmamay-ari ng media ay limitado. Isang bagong anti-trust body ang itinatag ng Fair Competition Act (2014) - ang Philippine Competition Commission (PCC) - na maaaring magsilbi na tagapakinig at tagakalap ng balita, pumigil o kaya bumuwag ng mga monopolyo sa media. Responsibilidad nito ang paghadlang sa pagkasira ng merkado sa lahat ng sektor ng negosyo. Iilan lang ang mga regulasyon na na tumutukoy sa media (halimbawa, paglilisensiya sa sektor ng audio-visual). Kaya Katamtaman na PANGANIB ang pagtatasa.

Bakit?

  • Ang paglilisensiya sa sektor ng audio-visual ay nakasalalay sa magagamit ng mga frequency. Isinasagawa ito sa medyo bukas na twin-franchising procedure kung saan ang Securities and Exchange Commission (SEC), ang Congress at National Telecommunication Commission (NTC) ay may kinalaman à link to “How to get a license?" Ang desisyon kung bibigyan ng lisensya o hindi ay hindi batay sa argumento na may kinalaman sa naunang trabaho ng aplikante sa sektor ng media. Walang partikular sa media na maliwanag na hangganan (halimbawa, bilang ng mga lisensya, audience share, benta/ kita) na magbibigay sa SEC, NTC, Kongreso ng dahilan para hindi magdesisyon na paburan ang pagbibigay ng prangkisa.   
  • Ang NTC ay lumalabas na walang kapangyarihan pagdating sa pagpapawalang-bisa ng mga lisensiya – dahil ito ay batay sa desisyon ng Kongreso at ito ay maaaring pawalang-bisa lang ng Kongreso. At, isang dahilan para mapawalang-bisa ang prangkisa o mapatawan ng parusa ay hindi dahil sa konsentrasyon ngunit halimbawa kung kulang ang teknikal na  technical pangangasiwa. 

  • Para sa mga babasahin at online, tanging rehistrasyon lang sa SEC ang kailangan pero walang partikular sa media na otorisasyon. Kaya walang nakitang pangangailangan na magtayo ng tanggapan na mangangasiwa sa mga kumpanya ng babasahin at online. 

  • Walang umiiral na partikular sa media na regulasyon na haharang sa bentahan o pagsasama-sama. Gayunman, ang Philippine Competition Commission bilang pangkalahatang anti-trust body ay maaaring pumigil o kaya bumuwag ng mga monopolyo sa media. Dahil ang PCC ay medyo bagong institusyon, ang mapamilit na kapangyarihan nito ay hindi pa matasahan. Pero ginagamit nito ang sariling ngipin at umaasa nang husto sa kaso ng Smart/Globe.

Puntos sa Patakarang Pananggol:

8 sa 15 – Katamtamang Panganib (53.3%). 

1 = partikular sa media na regulasyon / otoridad

0.5= regulasyon kaugnay ng kompetisyon / otoridad

sa talaan NakaBuod ang TV/ radyo - pinakamataas na puntos: 4 kada sektor.      Paglalarawan    OoHindiNAMD
Ang batas na pang media ba ay mayroong tiyak na hangganan o limitasyon, batay sa malinaw na pamantayan (halimbawa, bilang ng mga lisensya, audience share, sirkulasyon, pamamahagi ng parte sa puhunan o karapatan bumoto, benta/kita) para pigilan ang mataas na antas ng pahalang na konsentrasyon ng pagmamay-ari at/o kontrol sa sektor na ito?     Layunin ng tanong na ito ang tasahan ang pag-iral ng patakarang pananggol (partikular sa sektor) laban sa mataas na pahalang na konsentrasyon ng pagmamay-ari at/o kontrol sa sektor ng telebisyon/radyo.  

X

 

 

Mayroon bang otoridad na nangangasiwa o hukuman na aktibong nagbabantay sa pagsunod sa mga hangganan sa sektor ng babasahin at/o nakikinig sa mga reklamo? (halimbawa, media at/o otoridad sa kompetisyon)?       Layunin nito ang tasahan kung ang batas/patakaran ay nagbibigay ng angkop na pagbabantay at sistema ng pagpaparusa para sa regulasyon sa konsentrasyon sa audiovisual media.     

X

Pinagkalooban ba ng batas ang tanggapan na nagpaparusa/ nagpapatupad ng kapangyarihan na magpataw ng angkop na mga lunas (sa pagkilos at/o sa pagkakabuo) sakaling hindi sundin ang mga hangganan?       

Layunin nito ang tasahan kung ang batas ay nagbibigay ng angkop na sistema ng parusa sa regulasyon ng partikular na sektor, tulad ng:

- Pagtanggi sa karagdagang mga lisensya;    

- Pagharang sa pagsasama-sama o bentahan;

- Obligasyon na maglaan ng puwang para sa programa ng ikatlong partido

- Obligasyon na isuko ang mga lisensya/ mga gawain sa ibang sektor ng media

- pagkalas sa negosyo    

0,5

(Ipinagkatiwala sa PCC ang pagharang sa M&A; taga labas na programa para sa Filipinong nilalaman)   

  

  

Nagagamit ba ang kapangyarihan na magparusa/magpatulad sa mabisang paraan?    Layunin ng palatandaang ito ang tasahan ang epektibong pagpapatupad ng mga lunas ng partikular na sektor laban sa mataas na pahalang na konsentrasyon ng pagmamay-ari at/o kontrol sa media ng telebisyon.     Mataas na panganib (0)         

 

Kabuuan    

 5 sa 8

 

BABASAHIN     Paglalarawan    OoHindiNAMD
Ang batas na pang media ba ay mayroong tiyak na hangganan o limitasyon, batay sa malinaw na pamantayan (halimbawa, bilang ng mga lisensya, audience share, sirkulasyon, pamamahagi ng parte sa puhunan o karapatan bumoto, benta/kita) para pigilan ang mataas na antas ng pahalang na konsentrasyon ng pagmamay-ari at/o kontrol sa sektor na ito?         Layunin ng tanong na ito ang tasahan ang pag-iral ng patakarang pananggol (partikular sa sektor) laban sa mataas na pahalang na konsentrasyon ng pagmamay-ari at/o kontrol sa sektor ng babasahin.       X
Mayroon bang otoridad na nangangasiwa o hukuman na aktibong nagbabantay sa pagsunod sa mga hangganan sa sektor ng audiovisual at/o nakikinig sa mga reklamo? (halimbawa, media at/o otoridad sa kompetisyon)?     Layunin nito ang tasahan kung ang batas/patakaran ay nagbibigay ng angkop na pagbabantay at sistema ng pagpaparusa para sa regulasyon sa konsentrasyon sa media ng babasahin.        X
Pinagkalooban ba ng batas ang tanggapan na nagpaparusa/ nagpapatupad ng kapangyarihan na magpataw ng angkop na mga lunas (sa pagkilos at/o sa pagkakabuo) sakaling hindi sundin ang mga hangganan?    

Layunin nito ang tasahan kung ang batas ay nagbibigay ng angkop na sistema ng parusa sa regulasyon ng partikular na sektor, tulad ng:


- Pagtanggi sa karagdagang mga lisensya;

- Pagharang sa pagsasama-sama o bentahan;

- Obligasyon na maglaan ng puwang para sa programa ng ikatlong partido

-  Obligasyon na isuko ang mga lisensya/ mga gawain sa ibang sektor ng media

- pagkalas sa negosyo

X
Nagagamit ba ang kapangyarihan na magparusa/magpatulad sa mabisang paraan?        Layunin ng palatandaang ito ang tasahan ang epektibong pagpapatupad ng mga lunas ng partikular na sektor laban sa mataas na pahalang na konsentrasyon ng pagmamay-ari at/o kontrol sa media ng telebisyon.            X
Kabuuan     

1 of 1

INTERNET     Paglalarawan    OoHindiNAMD
Ang batas na pang media ba ay mayroong tiyak na hangganan o limitasyon, batay sa malinaw na pamantayan (halimbawa, bilang ng mga lisensya, audience share, sirkulasyon, pamamahagi ng parte sa puhunan o karapatan bumoto, benta/kita) para pigilan ang mataas na antas ng pahalang na konsentrasyon ng pagmamay-ari at/o kontrol sa sektor na ito?       Layunin ng tanong na ito ang tasahan ang pag-iral ng patakarang pananggol (partikular sa sektor) laban sa mataas na pahalang na konsentrasyon ng pagmamay-ari at/o kontrol sa sektor ng online/SP.     X
Mayroon bang otoridad na nangangasiwa o hukuman na aktibong nagbabantay sa pagsunod sa mga hangganan sa sektor ng online at/o nakikinig sa mga reklamo? (halimbawa, media at/o otoridad sa kompetisyon)?     Layunin nito ang tasahan kung ang batas/patakaran ay nagbibigay ng angkop na pagbabantay at sistema ng pagpaparusa para sa regulasyon sa konsentrasyon sa media ng online/SP.        0,5    
Pinagkalooban ba ng batas ang tanggapan na nagpaparusa/ nagpapatupad ng kapangyarihan na magpataw ng angkop na mga lunas (sa pagkilos at/o sa pagkakabuo) sakaling hindi sundin ang mga hangganan?      

Layunin nito ang tasahan kung ang batas ay nagbibigay ng angkop na sistema ng pagpaparusa sa regulasyon sa partikular na sektor, tulad ng:

- Pagtanggi sa mga karagdagang lisensya

-  Pagharang sa pagsasama-sama o bentahan;

- Obligasyon na maglaan ng puwang para sa programa ng ikatlong partido

-  Obligasyon na isuko ang mga lisensya/ mga gawain sa ibang sektor ng media

- pagkalas sa negosyo

0,5
Nagagamit ba ang kapangyarihan na magparusa/magpatulad sa mabisang paraan?     Layunin ng palatandaang ito ang tasahan ang epektibong pagpapatupad ng mga lunas ng partikular na sektor laban sa mataas na pahalang na konsentrasyon ng pagmamay-ari at/o kontrol sa media ng telebisyon.         X
Kabuuan    1 sa 3
PAGSASAMA-SAMA NG MEDIA     Paglalarawan    OoHindiNAMD
Maaari bang mapigilan ang mataas na antas ng pahalang na konsentrasyon ng pagmamay-ari at/o kontrol sa sektor ng media sa pamamagitan ng pagkontrol sa pagsasama-sama/patakaran sa kompetisyon na isinaalang-alang ang mga likas (na katangian) ng sektor ng media?        

Layunin ng tanong na ito ang tasahan ang pag-iral ng patakarang pananggol (partikular sa sektor at/o batas sa kompetisyon) laban sa mataas na pahalang na konsentrasyon ng pagmamay-ari at/o kontrol sa sektor ng media sa pamamagitan ng pagkilos tungo sa pagsasama-sama. Halimbawa, dapat pigilan ng batas ang konsentrasyon sa mga pagkilos tungo sa pagsasama-sama:

- Sa pamamagitan ng paglilimita sa mga probisyon na partikular sa media na nagpapataw ng mas mahigpit na hangganan kaysa sa ibang mga sektor;

 - Ang sapilitang pakikialam ng otoridad ng media sa pagsasama-sama at kaso ng bentahan (halimbawa, ang obligasyon ng otoridad ng kompetisyon na humingi ng payo sa otoridad ng media);

 - Ang posibilidad na ipawalang-bisa ng otoridad ng komunikasyon ang pagsang-ayon sa konsentrasyon sa kadahilanang may kaugnayan sa media pluralism o pagkamarami ng media (o sa pangkalahatang interes ng madla); - na kahit na hindi ito naglalaman ng mga probisyon na partikular sa media - huwag ibukod ang sektor ng media mula sa saklaw ng paggamit ng (patakarang pananggol).

X
Mayroon bang otoridad na nangangasiwa o hukuman na aktibong nagbabantay sa pagsunod sa patakaran sa pagsasama-sama at/o nakikinig sa mga reklamo? (halimbawa, media at/o otoridad sa kompetisyon)?      Layunin nito ang tasahan kung ang batas/regulasyon ay nagbibigay ng angkop na pagbabantay at sistema ng pagpaparusa.     0,5 (PCC)    
Pinagkalooban ba ng batas ang tanggapan na nagpaparusa/ nagpapatupad ng kapangyarihan na magpataw ng angkop na mga lunas (sa pagkilos at/o sa pagkakabuo) sakaling hindi sundin ang mga 

Layunin nito ang tasahan kung ang batas ay nagbibigay ng angkop na sistema ng parusa sa regulasyon ng partikular na sektor, tulad ng:

-  Pagharang sa pagsasama-sama o bentahan;

- Obligasyon na maglaan ng puwang para sa programa ng ikatlong partido

- Obligasyon na isuko ang mga lisensya/ mga gawain sa ibang sektor ng media

- pagkalas sa negosyo

0,5 (PCC)    
Nagagamit ba ang kapangyarihan na magparusa/magpatupad sa mabisang paraan?     Layunin ng palatandaang ito ang tasahan ang epektibong pagpapatupad ng mga lunas ng partikular na sektor laban sa mataas na pahalang na konsentrasyon ng pagmamay-ari at/o kontrol sa media ng telebisyon.       X
Kabuuan    1 sa 3

Sources: 

Media Ownership Monitor Legal Assessment (2016), Romel R. Bagares
Interview with NTC (2016)
How to get a media license

Konsentrasyon ng Pagmamay-ari na Cross-Media Ownership

Layunin ng palatandaang ito ang tasahan ang konsentrasyon ng pagmamay-ari sa lahat ng mga magkakaibang sektor – telebisyon, babasahin, audio, at anumang iba pang mga may kaugnayan na media – ng industriya ng media. Ang konsentrasyon na cross-media ay sinusukat sa pamamagitan ng pagsuma ng mga kaparte sa merkado ng mga pangunahing kumpanya ng media.

Resulta:

Ang konsentrasyon ng pag-aari na cross-media ay MATAAS, bilang ang dalawang pinakamalaking kumpanya ng media – ang ABS-CBN Incorporated at GMA Network Incorporated – ay aktibo, popular at matubo sa lahat ng sektor ng media.

Bakit?

  • Ang ABS-CBN Corporation at GMA Network Incorporated ay walang dudang nangunguna sa merkado ng media. Sila ay may pinagsamang 79.44 porsiyentong kaparte ng merkado. Ang 8 nangungunang mga kumpanya na may operasyon na cross-media (ibig sabihin, aktibo sa kahit dalawang sektor ng media) ay kuha ang halos lahat ng tagasubaybay (96.46 porsiyento).

  • Kahit na hindi handa ang badyet ng patalastas para sa lahat ng media, makikita sa kalakaran na ang dalawang higante ay nakikinabang din sa pagbebenta ng ispasyo para sa patalastas, at ang pinakamaraming pera ay para sa telebisyon (Nielsen, Ad Spending)

  • Ang makapangyarihang negosyante na si Manuel V. Pangilinan ay nasa lahat ng sektor ng media sa pamamagitan ng kanyang MediaQuest Holdings Incorporated na may hawak sa TV5 Network Incorporated (telebisyon, radyo, online), Nation Broadcasting Corporation (radyo, telebisyon) at Hastings Holdings (babasahin). Gayunman, batas sa datos ng 2014, ang mga kumpanya ng media ni Pangilinan ay hindi makasabay sa mga pangunahing manlalaro pagdating sa pananalapi. Ang TV5 Network Incorporated ay tumatakbo nang palugi ($-82,43 milyon). Gayunman, ang kanyang mga kumpanya ng telekomunikasyon ang bumawi sa pagkalugi dahil ang PLDT at Smart Communications ay kumita ng $3652 milyon, tumubo ng humigit-kumulang $569 milyon.

Tala: ang kaparte sa merkado ay proxy o kahalili. Karaniwan, kinukwenta ang kaparte sa merkado sa pamamagitan ng paghahati ng kabuuang kita ng kumpanya sa kabuuang kita ng industriya ng media sa loob ng isang panuusang panahon. Dahil ang kabuuang kita ng industriya ng media ay hindi handa, ang mga kinita ng 29 na kumpanya na kasama sa pag-aaral ay hindi naidagdag at itinakda bilang 100 porsiyento ng kaparte sa merkado. Ang impormasyon mula sa kanilang opisyal na dokumento sa Securities and Exchange Commission (SEC) ang ginamit. Para sa karamihan ng kumpanya, ang datos para sa Taong Pampanusan 2015 ay magagamit. Ang tubo mula sa operasyon ay kinalkula bilang Kabuuang Benta - Halaga ng mga naibentang kalakal - gastos sa operasyon.

    Score:

    MABABA (1)KATAMTAMAN (2)MATAAS (3)

    Bahagdan: 96.49%

    Bahagdan ng Nangungunang Dalawa: 79.44%    

    Kung sa isang bansa ang mga 8 pangunahing may-ari (Unang 8) ay may kaparte sa merkado na mababa sa 50% sa lahat ng ibangmga sektor ng media.

    Kung sa isang bansa ang mga 8 pangunahing may-ari (Unang 8) ay may audience share sa pagitan ng 50 porsiyento at 69 porsiyento sa lahat ng ibang mga sektor ng media.     Kung sa isang bansa ang mga 8 pang una hing may-ari (Unang 8) ay may kaparte sa merkado na higit 70 porsiyento sa lahat ng ibang mga sektor ng media.
    Sources:

Overview Media Market based on SEC documents
GROWTH OF AD SPEND IN Q2 (2016), The Nielsen Company (Philippines) Inc.

Mga Patakarang Pananggol: Konsentrasyon ng Pagmamay-aring Cross-Media

Ang palatandaang ito ay naglalayong tasahan ang pag-iral at epektibong pagpapatupad ng mga patakarang pananggol (partikular sa sektor at/o batas ng kompetisyon) laban sa mataas na antas ng cross-ownership sa pagitan ng uri ng mga media (babasahin, telebisyon, radyo, internet).

Resulta:

May napakalimitadong regulasyon na nakakaapekto sa pag-aaring cross-media, na sa huli ay hindi napipigilan ang konsentrasyon na cross-media. Samakatuwid, umiiral ang mataas na panganib sa pagsira ng merkado sa pamamagitan ng konsentrasyon na cross-media.

Bakit?

  • Itinakda ng Telecommunications Policy Act (1995) na ang isang organisasyon ay hindi maaaring pumasok sa telekomunikasyon at brodcast sa ilalim ng iisang prangkisa. Pero hindi nito pinagbabawalan ang isang organisasyon sa pagkuha ng prangkisa na pang telekomunikasyon na hiwalay sa prangkisa na pang brodkas. Dahil ang internet at online media ay hindi itinuturing na kabilang sa mass media, hindi isinasama ang online sa pagbabantay sa cross-ownership.

  • Walang otoridad na aktibong nagbabantay sa pagmamay-ari na cross-media. Ang Philippine Competition Commission (PCC) ay maaaring magbantay at bumuwag ng mga monopolyo. Pero dahil walang kamalayan kaugnay ng pulitika o ng batas sa nangyayaring konsentrasyon na cross-media, walang epektibong kontrol sa pagsasama-sama sa merkado ng media sa Pilipinas.

  • Dahil sa kakulangan ng regulasyong ito, ang mga imperio ng cross-media tulad ng kay Manuel V. Pangilinan o mga imperio ng media katulad ng sa ABS-CBN Corporation o GMA Network Incorporated (à Link to duopolies text) ay maaaring ma-debelop.

Puntos ng Patakarang Pananggol:

2.5 sa 8 – Mataas na Panganib (Regulasyon: 31.3%).

1 = regulasyon na partikular sa media / otoridad

0.5= regulasyon na may kaugnayan sa kompetisyon-related/ otoridad

Pagmamay-ari na cross-MEDIA  Paglalarawan    OoHindiNAMD
Ang batas na pang media ba ay mayroong tiyak na hangganan o limitasyon, batay sa malinaw na pamantayan, tulad ng bilang ng mga lisensya, audience share, sirkulasyon, pamamahagi ng parte sa puhunan o karapatan bumoto, benta/kita, para pigilan ang mataas na antas ng cross-ownership sa pagitan ng ibang media?     Ang palatandaang ito ay naglalayon na tasahan ang umiiral na mga patakarang pananggol (partikular sa sektor at/o batas sa kompetisyon) laban sa mataas na antas ng cross-ownership sa ibang sektor ng media.     X
Mayroon bang otoridad na nangangasiwa o hukuman na aktibong nagbabantay sa pagsunod sa mga hangganan at/o nakikinig sa mga reklamo? (halimbawa, otoridad ng media =1, otoridad sa kompetisyon = 0,5)        Mayroon bang otoridad na nangangasiwa o hukuman na aktibong nagbabantay sa pagsunod sa mga hangganan at/o nakikinig sa mga reklamo? (halimbawa, otoridad ng media =1, otoridad sa kompetisyon = 0,5)         0,5 (PCC)    
Pinagkalooban ba ng batas ang tanggapan na nagpaparusa/ nagpapatupad ng kapangyarihan na magpataw ng angkop na mga lunas (sa pagkilos at/o sa pagkakabuo) sakaling hindi sundin ang mga hangganan?      

Layunin nito ang tasahan kung ang batas ay nagbibigay ng angkop na sistema ng parusa sa regulasyon ng partikular na sektor, tulad ng:

-  Pagtanggi sa karagdagang mga lisensya;

- Pagharang sa pagsasama-sama o bentahan;

-  Obligasyon na maglaan ng puwang para sa programa ng ikatlong partido

- Obligasyon na isuko ang mga lisensya/ mga gawain sa ibang sektor ng media

 - pagkalas sa negosyo

X
Nagagamit ba ang kapangyarihan na magparusa/magpatulad sa mabisang paraan?    

Ang may kaugnayang otoridad ay hindi kailanman ginagamit ang kapangyarihan na magparusa

Ang tanong na ito ay naglalayong tasahan ang bisa ng mga lunas na itinakda ng regulasyon. 

X
Maaari bang mapigilan ang mataas na antas ng cross-ownership sa pagitan ng magkaibang media sa pamamagitan ng pagkontrol sa pagsasama-sama/patakaran sa kompetisyon na isinaalang-alang ang mga likas (na katangian) ng sektor ng media?    

Halimbawa, ang cross-ownership ay maaaring mapigilan ng batas sa kompetisyon:

- sa pamamagitan ng sapilitang panghihimasok ng otoridad ng media sa mga kasong M&A (halimbawa, ang obligasyon para sa otoridad ng kompetisyon na humingi ng payo sa otoridad ng media);
- sa pamamagitan ng posibilidad na ipawalang-bisa ng otoridad ng kompetisyon ang pagsang-ayon sa konsentrasyon sa kadahilanang may kaugnayan sa media pluralism o pagkamarami ng media (o sa pangkalahatang interes ng madla);
Kahit na hindi naglalaman ang batas ng mga probisyon na partikular sa media - hindi ibinubukod ang sektor ng media mula sa saklaw ng paggamit ng (batas).

X
Mayroon bang otoridad na nangangasiwa o hukuman na aktibong nagbabantay sa pagsunod sa mga patakaran at/o nakikinig sa mga reklamo? (halimbawa, media at/o otoridad sa kompetisyon)?        Layunin nito ang tasahan kung ang batas/regulasyon ay nagbibigay ng angkop na pagbabantay at sistema ng pagpaparusa para sa regulasyon laban sa mataas na antas ng cross-ownership sa ibang mga sektor na media sa pamamagitan ng kontrol sa pagsasama-sama/patakaran sa kompetisyon.      X
Pinagkalooban ba ng batas ang tanggapan na nagpaparusa/ nagpapatupad ng kapangyarihan na magpataw ng angkop na mga lunas (sa pagkilos at/o sa pagkakabuo) sakaling hindi sundin ang mga hangganan?       

Halimbawa ng mga kapangyarihan na magparusa/magpatupad at mga lunas:

- Pagharang sa pagsasama-sama o bentahan;

- Obligasyon na maglaan ng puwang para sa programa ng ikatlong partido

- May obligasyon na isuko ang mga lisensya/ mga gawain sa ibang sektor ng media

-  Pagkalas sa negosyo     

X
Nagagamit ba ang kapangyarihan na magparusa/magpatupad sa mabisang paraan?     Layunin ng tanong na ito ang tasahan ang bisa ng mga lunas ng regulasyon.no
Kabuuan    1.5 of 6    

Transparency sa Pagmamay-ari

Tinatasahan ng palatandaang ito ang transparency ng datos tungkol sa mga kaugnayan sa pulitika ng mga may-ari ng media dahil ang transparency sa pagmamay-ari ay mahalagang unang kondisyon bago maipatupad ang pluralismo sa media.

Resulta:

Ang mga kumpanyang rehistrado sa Pilipinas ay kailangang ipaalam ang balangkas ng kanilang pagmamay-ari sa Securities and Exchange Commission (SEC), kung saan ang impormasyong ito ay maaaring mabili. Para makumpleto ang kulang na datos na hindi makuha online o offline (mga dokumento sa SEC), ang lahat ng tanggapan ng media at mga kumpanya ay kinausap/tinawagan para sagutin ang listahan ng mga karagdagang katanungan. Sa kabuuan, ang transparency sa magmamay-ari ay nasa katamtaman ang antas.

Bakit?

    Sinusuri ng Media Ownership Monitor ang datos na maaaring makuha ng madla, online at offline (mga dokumento ng SEC). Para makumpleto ang kulang na datos, ang lahat ng tanggapan ng media at mga kumpanya ay kinausap/tinawagan para sagutin ang listahan ng mga karagdagang katanungan. Ang resulta para sa 43 sinuri at tanggapan ng media na tinanong/kinausap: 

    • Para sa karamihan – 27 - ng mga tanggapan ng media at may kaugnayang kumpanya, ang datos ng pagmamay-ari ay kahit paano maaaring makuha ng publiko sa SEC. Sa ilang mga pagkakataon, ito ay hindi naisasapanahon taun-taon.

    • 11 tanggapan ng media ay itinuturing na passively transparent – nangangahulugan na ang mga kinatawan ng kanilang punong kumpanya ay tumugon sa karagdagang katanungan at naging bukas sa pakikipag-usap sa grupo na nagsasaliksik. 

    • Ang tanging mga tanggapan ng media na actively transparent ay iyong mga kabilang sa mga kumpanyang nakalista sa stock exchange, na may obligasyon sa batas na ipaalam na kusa at komprehensibo ang tungkol sa pagmamay-ari nito sa website o sa pahayagan. Ito ay may kinalaman sa 8 mga kumpanya, kabilang dito ang ABS-CBN, GMA, Manila Bulletin Publishing at Manila Broadcasting Company. 
    • Para sa isang tanggapan ng media, ang datos ay hindi makuha– ang mga kumpanya ay hindi sumagot at walang pampublikong rekord.

    • Walang kumpanya na sadyang nagtago ng balangkas ng pagmamay-ari, halimbawa sa pamamagitan ng mga huwad na kumpanya.

    MABABA (1)KATAMTAMAN (2)MATAAS (3)

    Paano mo tatasahan ang transparency at kakayahan makakuha ng datos tungkol sa pagmamay-ari ng media?    

    Ang mga datos tungkol sa mga may-ari ng media pati ang kanilang kaugnayan sa pulitika ay makukuha ng publiko at transparent.

    (Active Transparency)

    Code kung ito ang sitwasyon > 75% ng sampol.

    Ang datos ng may-ari ng media at ang kanilang kaugnayan sa pulitika ay nalaman batay sa imbestigasyon ng mga mamamahayag at mga aktibista sa media o kapag hiniling.

    (Passive Transparency)

    Code kung ito ang sitwasyon > 50% ng sampol. 

    Ang datos hingil sa kaugnayan sa pulitika ng mga may-ari ng media ay hindi madali makuha ng publiko at ng mga nag-iimbestigang mamamahayag at ang mga aktibista ay bigo sa paglalantad ng mga naturang datos.

    (Data Unavailable, Active Disguise)

    Code kung ang datos ay makukuha para sa < 50% ng sampol.

Mga Patakarang Pananggol: Transparency sa Pagmamay-ari

Ang palatandaang ito ay naglalayon na tasahan ang pag-iral at epektibong pagpapatulad ng transparency at mga probisyon ng pagsisiwalat kaugnay ng pagmamay-ari at/o kontrol ng media.

Resulta:

Kahit na walang mga partikular na batas sa transparency ng pagmamay-ari, ang pangkalahatang regulasyon ng transparency ay dapat din gamitin sa sektor ng media (telebisyon, radyo, babasahin, online). Bagaman ang mga batas na ito ay hindi napipigilan ang masalimuot na paglalatag ng mga balangkas ng kumpanya, ang mga kumpanya ng media ay kahit paano nagpapasa ng impormasyon tungkol sa balangkas ng kanilang pagmamay-ari, na madaling makuha. Ibig sabihin sa lahat lahat KATAMTAMAN ANG PANGANIB sa transparency sa pag-aari sa media.

Bakit? 

  •  Ang pagtatayo ng kumpanya ay nangangailangan ng rehistro bilang prangkisa sa Securities and Exchange Commission (SEC). Pagkatapos nito, ang mga kumpanya ay kailangan magpasa taun-taon ng pahayag ng pananalapi (FS; kabilang dito halimbawa ang mga kita, tubo, capital stock atpb.) at pangkalahatang impormasyon (GIS; mga balangkas ng pagmamay-ari at kaparte, impormasyon tungkol sa mga executive at non-executive board atbp.). Ang mga korporasyon na nakalista sa stock market ay may karagdagang obligasyon na ipaalam ang balangkas ng kanilang pagmamay-ari sa kanilang mga website. 

  • Ang mga parusa sakaling hindi sundin ang obligasyon ng pagsisiwalat ay maaaring, kung tutuusin, ipataw at dalhin sa korte – gayunman, kapansin-pansin na wala pang naging ganitong kaso. 

  • Kahit na ang mga patakarang pananggol ay nagtataguyod ng transparency sa pagmamay-ari, ito ay nagiging mababaw dahil sa karaniwang ginagawa na patung-patong na latag ng mga balangkas ng kumpanya para itago ang pangunahing nakikinabang na mga may-ari. Ang mga masalimuot na balangkas na ito ay legal at, sa teorya, ay maaaring busisiin -- na gayunman ay nangangailangan ng kakayahang umunawa at labis na pagsisikap. Si Roberto Tiglao, halimbawa, ay nagpursigi na ilantad ang imperio ni Manuel V. Pangilinan at nasundan ang bakas nito sa isang dayuhan na mamumuhunan (link to MVPs profile).

  • Isang malaking hakbang na paatras ang pag-aalis ng "reverse search" (baligtad na paghahanap) sa pagpapatupad ng Data Privacy Act. Hanggang kamakailan, ang reverse search ay pinapayagan sa paghahanap ng mga may-ari ng media, para makakuha ng impormasyon sa lahat ng share na hawak nila sa ibang mga negosyo. Noong Agosto 2016, tinanggihan ng SEC ang kahilingan ng VERA Files para gumawa ng reverse search. 

Puntos ng Patakarang Pananggol:

14 sa 20 – Katamtamang Panganib (70%). 

Mga Probisyon ng Transparency (Buod para sa telebisyon, radyo, babasahin, online -- pinakamataas na puntos 5 kada sektor) Paglalarawan    OoHindiNAMD
Ang pambansang (media, kumpanya, buwis...) batas ba ay may mga probisyon ng transparency at pagsisiwalat na nag-oobliga sa mga kumpanya ng media na ilathala ang mga balangkas ng kanilang pagmamay-ari sa kanilang website o sa mga talaan/dokumento na madali makuha ng madla?     Layunin ng tanong na ito ang siyasatin ang patakarang pananggol para sa transparency sa mga mamamayan, mga gumagamit at sa madla sa pangkalahatan.    X
Ang pambansang (media, kumpanya, buwis...) batas ba ay may mga probisyon ng transparency at pagsisiwalat na nag-oobliga sa mga kumpanya ng media na ipaalam ang (pagbabago sa) mga balangkas ng pagmamay-ari sa mga pampublikong otoridad (tulad ng otoridad ng media)?        Layunin ng tanong na ito ang siyasatin ang patakarang pananggol para sa pananagutan at transparency sa mga pampublikong otoridad.       X
May obligasyon ba sa pambansang batas na ipaalam ang may kaugnayang impormasyon pagkatapos ng bawat pagbabago sa balangkas ng pagmamay-ari?     Layunin ng tanong na ito ang tasahan kung ang batas ay may patakaran sa pagkakaroon ng walang kamali-mali at nasa-sa-panahon na datos tungkol sa pagmamay-ari ng media para sa madla. Ito ay kondisyon para sa epektibong transparency.    X
Mayroon bang parusa sakaling hindi masunod ang obligasyon ng pagsisiwalat?     Layunin ng tanong na ito ang tasahan kung ang batas sa transparency ng pagmamay-ari ng media ay maaaring ipatupad sa pamamagitan ng pagpapapataw ng parusa.     X
Natitiyak ba ng mga obligasyon na alam ng madla kung sino ang legal o natural na taong tunay na may-ari o nagko-kontrol ng kumpanya ng media?     Layunin ng tanong na ito ang tasahan ang bisa ng mga batas na may kinalaman sa transparency sa pagmamay-ari ng media at kung sila ay magtatagumpay sa pagsisiwalat ng tunay na may-ari ng mga tanggapan ng media.    
Katamtaman:

ilang mga may-ari ay hindi pa rin kilala

(=0,5)

Kabuuan   14 sa 20 

Sources:

Republic Act no. 10173. The Data Privacy Act (2012), Congress of the Philippines
Colossal Deception - How Foreigners Control our Telecom Sector (2016), Roberto Tiglao

(Pampulitikang) Kontrol sa mga Tanggapan ng Media at Network ng Distribusyon

Tinatasahan ng palatandaang ito ang panganib ng pagkakaugnay sa pulitika at kontrol sa media at network ng distribusyon. Tinatasahan din nito ang antas ng diskriminasyon ng mga may kaugnayan sa pulitika na network ng distribusyon ng media. Ang mga gawain o pagkilos na may diskriminasyon ay halimbawa kasama ang hindi maayos na pagpre-presyo at paglalagay ng hadlang sa media na kumukuha ng himpilan ng distribusyon. Kaugnayan sa pulitika ay nangangahulugan na ang tanggapan o kumpanya ng media ay pag-aari ng partido, isang grupo na makapartido, lider ng partido o malinaw na makapartidong tao.

Resulta 1: Kontrol ng pulitika sa mga tanggapan ng media 

Ang pangkalahatang antas ng (pampulitikang) kontrol sa mga tanggapan ng media ay natasahan bilang MABABANG PANGANIB sa pluralismo o pagkamarami ng media.

Bakit?

May mga koneksyon sa pagitan ng mga taong nabibilang sa mataas na lipunan na nangingibabaw sa pulitika at mga taong nabibilang sa mataas na lipunan na naghahari sa negosyo na nasa likod ng mga kumpanya ng media, na kinabibilangan din ng mga popular na tanggapan ng media at mga kumpanya tulad ng ABS-CBN Corporation at GMA Network Incorporated. Habang ang mga koneksyon na ito ay umiiral hanggang ngayon at ang Pagmamay-ari ng Media ay nagpapakita ng lawak sa mga maliit na pangkat na magkaugnay-ugnay (tignan sa ibaba), ang parehong mga kumpanya ng media at may-ari ng media ay natuto sa kasaysayan pagkatapos ng rehimeng Marcos, noong halimbawa nagbumerang ang ginawang pang-iipit ni Pangulong Estrada sa mga kumpanya ng media. Sa sandaling ito, ang nakalista na hindi tuwirang koneksyon ay hindi nauuwi sa naka-target na pagkilos na may diskriminasyon para ang pampulitikang kontrol sa mga tanggapan ng media ay tasahan ng mababa. Gayunman, maaari itong maglagay ng potensyal na panganib sa media  sa oras na ang mga taong nabibilang sa mataas na lipunan at nangingibabaw sa pulitika ay mag umpisang samantalahin ang kahinaan ng mga may-ari ng media (ulit). Sa kung hanggang saan ang mga kaugnayang ito ay makakaimpluwensya sa pagkakalap at pag-uulat ng media sa mga ilang mga paksa ay kailangan pa rin saliksikin sa pamamagitan ng pagsusuri ng nilalaman.

- Ang Pamilya Belmonte: Si Feliciano Belmonte Sr. ay kinatawan ng ika-4 na distrito ng Quezon City. Siya ay nagsilbing House Speaker noong nakaraang administrasyon. Siya ay may kaparte sa Philippine Star at Pilipino Star Ngayon. Siya ang ama ni PhilStar president Miguel Belmonte. Ang mga Belmonte ay miyembro ng Liberal Party, ang pampulitikang partido ni dating Pangulong Benigno Aquino III.

- Manila Bulletin: ang ilang miyembro ng board ay nagsilbing miyembro ng Gabinete ng mga nakaraang administrasyon.

- Ang Pamilya Lopez: Si Regina Paz “Gina” Lopez ang kasalukuyang kalihim ng Department of Environment and Natural Resources, isang posisyon sa Gabinete kung saan siya itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte. Siya ay anak ni Eugenio Lopez Jr. at kapatid ni Eugenio Lopez III. Siya ay itinalaga rin ni dating Pangulong Benigno Aquino III na chairperson ng Pasig River Rehabilitation Commission. Si Eugenio “Geny” Lopez Sr., tagapagtatag ng ABS-CBN Corporation, ay anak ng dating gobernador ng Iloilo, si Benito Lopez, at nakatatandang kapatid ni dating Vice President Fernando Lopez. Si Manuel M. Lopez ang ika-apat na anak ng tagapagtatag ng Lopez Group, si Eugenio H. Lopez Sr., at dating Philippine Ambassador sa Japan na itinalaga ni Pangulong Benigno Aquino III.

- Si Michael John R. Duavit ay anak ni Gilberto M. Duavit Sr. at kapatid ni Gilberto R. Duavit Jr., siya ay nahalal sa Board of Directors ng GMA Network Incorporated, noong 2015 at nahalal na kinatawan ng Unang Distrito ng Rizal mula 2001 hanggang 2010 at ulit nitong 2016. Si Gilberto M. Duavit Sr. ay nahalal din na kinatawan ng Unang Distrito ng Rizal noong 1994. Si Duavit ay nahalal na miyembro ng ika-9, ika-10, at ika-11 mga Kongreso, kumakatawan sa Unang Distrito ng Rizal. Sa panahon ng kanyang panunungkulan sa Kongreso, siya ay nagsilbing Senior Assistant Minority Floor Leader (ika-10 Kongreso) at Chairman ng House Committee of Appropriations (ika-11 Kongreso) matapos maging miyembro ng parehong House Committee (ika-9 at ika-10 Kongreso).

- Si Emmanuel Joel Villanueva ay kasalukuyang senador ng Republika ng Pilipinas at anak ng Kristiyanong pastor na si Eduardo Villanueva, kapwa may-ari ng GMA News TV.

- Si Antonio L. Cabangon-Chua ay itinalagang Philippine ambassador sa Laos ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

- Walang kaugnayan sa pulitika si Eduardo V. Manalo ng Iglesias ni Cristo ngunit sila ay nagpapatupad ng bloc voting at sila ay sinasabing nagre-rekomenda ng mga itatalaga sa mga pangunahing posisyon sa gobyerno. 

MABABA (1) KATAMTAMAN (2) MATAAS (3)
PAMUMULITIKA NG MGA TANGGAPAN NG MEDIA  

Ano ang kaparte ng telebisyon na pag-aari ng mga organisasyon na may kaugnayan sa pulitika?

Ang media na mayroong <30% audience share ay pag-aari (kontrolado) ng partikular na partidong pampulitika, pulitiko o grupong pampulitika, o ng may-ari na may partikular na kaugnayan sa pulitika.

Ang media na mayroong <50% - >30% audience share ay pag-aari (kontrolado) ng partikular na partidong pampulitika, pulitiko o grupong pampulitika, o ng may-ari na may partikular na kaugnayan sa pulitika.

Ang media na mayroong >50% audience share ay pag-aari (kontrolado) ng partikular na partidong pampulitika, pulitiko o grupong pampulitika, o ng may-ari na may partikular na kaugnayan sa pulitika.  
Ano ang kaparte ng radyo na pag-aari ng mga organisasyon na may kaugnayan sa pulitika?
Ang media na mayroong <30% audience share ay pag-aari (kontrolado) ng partikular na partidong pampulitika, pulitiko o grupong pampulitika, o ng may-ari na may partikular na kaugnayan sa pulitika. Ang media na mayroong <50% - >30% audience share ay pag-aari (kontrolado) ng partikular na partidong pampulitika, pulitiko o grupong pampulitika, o ng may-ari na may partikular na kaugnayan sa pulitika.Ang media na mayroong >50% audience share ay pag-aari (kontrolado) ng partikular na partidong pampulitika, pulitiko o grupong pampulitika, o ng may-ari na may partikular na kaugnayan sa pulitika.  
Ano ang kaparte ng babasahin na media na pag-aari ng mga organisasyon na may kaugnayan sa pulitika? 
Ang media na mayroong <30% audience share ay pag-aari (kontrolado) ng partikular na partidong pampulitika, pulitiko o grupong pampulitika, o ng may-ari na may partikular na kaugnayan sa pulitika.Ang media na mayroong <50% - >30% audience share ay pag-aari (kontrolado) ng partikular na partidong pampulitika, pulitiko o grupong pampulitika, o ng may-ari na may partikular na kaugnayan sa pulitika.Ang media na mayroong >50% audience share ay pag-aari (kontrolado) ng partikular na partidong pampulitika, pulitiko o grupong pampulitika, o ng may-ari na may partikular na kaugnayan sa pulitika.  
Ano ang kaparte ng online na media na pag-aari ng mga organisasyon na may kaugnayan sa pulitika?
Ang media na mayroong <30% audience share ay pag-aari (kontrolado) ng partikular na partidong pampulitika, pulitiko o grupong pampulitika, o ng may-ari na may partikular na kaugnayan sa pulitika. Ang media na mayroong <50% - >30% audience share ay pag-aari (kontrolado) ng partikular na partidong pampulitika, pulitiko o grupong pampulitika, o ng may-ari na may partikular na kaugnayan sa pulitika.Ang media na mayroong >50% audience share ay pag-aari (kontrolado) ng partikular na partidong pampulitika, pulitiko o grupong pampulitika, o ng may-ari na may partikular na kaugnayan sa pulitika.  

Resulta 2: Pampulitikang kontrol sa network ng distribusyon sa media

Ang pangkalahatang antas ng (pampulitikang) control sa mga tanggapan ng media at network ng distribusyon ay tinasahan bilang katamtaman na panganib sa pluralismo o pagkamarami ng media. Ang nangungunang network ng distribusyon ay ang network na higit 15 porsyento ng pambansang merkado ang nasasaklaw. Ang pampulitikang kontrol sa nangungunang mga network ng distribusyon ay MABABA - dahil ang mga ito ay naka base sa labas ng bansa o kaya pinatatakbo bilang mga negosyo imbes na mga pampublikong serbisyo. Ang network ng distribusyon ng babasahin ay eksepsyon: ang Philippine Postal Corporation ay isang pambansang korporasyon na walang umiiral na diskriminasyon laban sa ilang mga tanggapan ng media. Maliban doon, ang mga network ng distribusyon ay hindi nagpapakita ng tuwiran o hindi tuwirang kaugnayan sa pampulitikal na partido o kahit lalo na sa mga pulitiko.

Bakit?

Ang mga network ng distribusyon para sa mga nilalathalang babasahin ay ang Philippine Postal Corporation (PHLPost), isang korporasyon na pag-aari at kontrolado ng gobyerno na may pananagutan sa pagbibigay ng serbisyong pang-koreo sa Pilipinas, ay nilikha sa pamamagitan ng Republic Act No. 7354, na kilala rin bilang Postal Service Act of 1992. Wala pa itong pagkilos na may bahid ng diskriminasyon laban sa kahit na anong tanggapan ng babasahin.

Ang mga network ng radio at telebisyon ay may tuwirang kinalaman sa mga frequency na ipinamamahagi ng National Telecommunications Commission (NTC), isang tanggapan ng gobyerno. Ngunit ang mga network ng teknikal na distribusyon, ang satellite at teknolohiya ng cable, ay hiwalay sa gobyerno. Ang dalawang pinakamalaking network, ang ABS-CBN  at GMA ay may kaugnayan sa Pan American Satellite (PANAMSAT) na naka base sa Estados Unidos at sa Palapa B2P (mga communication satellite na pag-aari ng Indosat, isang kumpanya ng telekomunikasyon na Indonesian), na siyang ginagamit para ang kanilang mga programa ay maaaring makuha ng mga nagpapatakbo ng cable at diretso sa mga merkadong bahay na nasa loob ng mga satellite footprint.

Internet Service Providers ang mga network ng distribusyon sa likod ng Internet. Kaya ang nangungunang network ng distribusyon online ay PLDT at Globe. Ang kanilang mga may-ari ay walang anumang kaugnayan sa pulitika. Sa katunayan, ayon sa panayam sa National Telecommunication Commission, walang plano na mamuhunan sa isang alternatibong pampublikong imprastruktura na broadband at subukang makipagkumpitensya sa PLDT/Globe dahil ito ay magiging masyadong magastos para sa gobyerno. 

MABABA (1) KATAMTAMAN (2)MATAAS (3)

Paano mo tatasahan ang pangangasiwa ng mga nangungunang network ng distribusyon para sa media ng babasahin?

Ang nangungunang mga network ng distribusyon ay walang kaugnayan sa pulitika o walang pagkilos na may bahid ng diskriminasyon. 

Kahit na isa sa mga nangungunang network ng distribusyon ay may kaugnayan sa pulitika o gumagawa paminsan-minsan ng mga pagkilos na may bahid ng diskriminasyon.

Lahat ng mga nangungunang network ng distribusyon ay may kaugnayan sa pulitika at may rekord ng paulit-ulit na pagkilos na may bahid ng diskriminasyon.

Paano mo tatasahan ang pangangasiwa ng mga nangungunang network ng distribusyon ng radyo?

Ang nangungunang mga network ng distribusyon ay walang kaugnayan sa pulitika o walang pagkilos na may bahid ng diskriminasyon. 

Kahit na isa sa mga nangungunang network ng distribusyon ay may kaugnayan sa pulitika o gumagawa paminsan-minsan ng mga pagkilos na may bahid ng diskriminasyon. 

Lahat ng mga nangungunang network ng distribusyon ay may kaugnayan sa pulitika at may rekord ng paulit-ulit na pagkilos na may bahid ng diskriminasyon.

Paano mo tatasahan ang pangangasiwa ng mga nangungunang network ng distribusyon ng telebisyon?

Ang nangungunang mga network ng distribusyon ay walang kaugnayan sa pulitika o walang pagkilos na may bahid ng diskriminasyon. 

Kahit na isa sa mga nangungunang network ng distribusyon ay may kaugnayan sa pulitika o gumagawa paminsan-minsan ng mga pagkilos na may bahid ng diskriminasyon.

Lahat ng mga nangungunang network ng distribusyon ay may kaugnayan sa pulitika at may rekord ng paulit-ulit na pagkilos na may bahid ng diskriminasyon.

Paano mo tatasahan ang pangangasiwa ng mga nangungunang network ng distribusyon ng Internet?

Ang nangungunang mga network ng distribusyon ay walang kaugnayan sa pulitika o walang pagkilos na may bahid ng diskriminasyon.

Kahit na isa sa mga nangungunang network ng distribusyon ay may kaugnayan sa pulitika o gumagawa paminsan-minsan ng mga pagkilos na may bahid ng diskriminasyon.

Lahat ng mga nangungunang network ng distribusyon ay may kaugnayan sa pulitika at may rekord ng paulit-ulit na pagkilos na may bahid ng diskriminasyon.

Pampulitikang Control sa Pondo ng Media

Tinatasahan ng palatandaang ito ang impluwensya ng estado sa paggana ng merkado ng media, partikular na nakatutok sa panganib ng diskriminasyon sa distribusyon ng mga patalastas ng estado. Ang diskriminasyon ay maaaring makita sa paboritismo o pagtatangi sa mga partidong pampulitika o kapanalig ng mga pampulitikal na partido sa gobyerno, o pagpaparusa sa media na pumupuna sa gobyerno. Ang patalastas ng estado ay kahit na anong patalastas na bayad ng gobyerno (pambansa, pang rehiyon, pang lokal) at mga institusyon at kumpanya na pag-aari ng estado.

Mga Resulta:

Habang may mga patakaran para sa distribusyon ng patalastas ng estado (pampublikong subasta), walang datos kaugnay ng pagsunod dito. Ang impluwensya ng pondo ng estado sa merkado ng media sa makatuwid ay labis na hindi transparent, na lumilikha ng mataas na panganib. Dagdag dito, mayroon pang media na organisado bilang isang korporasyon na pag-aari at kontrolado ng gobyerno (GOCC), na nakikinabang sa pananalapi mula sa capital stock na may garantiya ng batas.

Why?

  • Sa ilalim ng bagong Government Procurement Reform Act, ang pagkuha ng lahat ng kalakal at serbisyo – kabilang ang ispasyo para sa patalastas – ay kailangang dumaan sa pampublikong subastahan. Ang layunin ay hadlangan ang eksklusibong distribusyon ng patalastas ng estado na sa iilang tanggapan ng media, at gamitin para sa interes ng publiko.

  • Ang regulasyon, gayunman, ay halos hindi naipatutupad o naisasakatuparan. Ang mga ahensya ng gobyerno ay kinakailangang ipalathala ang mga alok sa kanilang mga website pati na sa mga pahayagan na may pangkalahatang sirkulasyon – na hindi ginagawa. Ang Commission of Audit (COA) ay obligadong ipaalam ang proseso ng subasta at kung paano ginasta ang pondo ng estado – na hindi rin ginagawa. Wala rin pagsubaybay na ginagawa para sa paghihigpit sa mga lumalabag sa kautusan.
  • Isang hayag na katotohan ay, itinaas ng pondo ng gobyerno ang authorized capital stock ng pag-aari ng estado na People’s Television Network mula PhP1 bilyon hanggang PhP6 bilyon at binigyan ito ng pahintulot na kumuha ng pang-komersiyal na pagkakakitaan (Republic Act 10390, March 2013). Ipinakikita nito ang hindi patas na distribusyon ng patalastas ng estado (sa mga tuntunin ng audience share) sa media, dahil ang mga himpilan ng gobyerno ay mas kaunti ang naaabot na manonood/tagapakinig kaysa sa ibang mga himpilan.

MABABA (1)KATAMTAMAN (2)MATAAS (3)
Ang patalastas ba ng estado ay ipinamamahagi sa media nang pareho batay sa kanilang audience share?     
Ang patalastas ng estado ay ipinamamahagi sa media nang medyo pareho batay sa kanilang audience share sa media.      Ang patalastas ng estado ay ipinamamahagi nang di angkop (batay sa tuntunin ng audience share) sa media.     Ang patalastas ng estado ay ipinamamahagi na eksklusibo sa ilang tanggapan ng media, na hindi saklaw ang lahat ng pangunahing tanggapan ng media sa bansa.    
Paano mo tatasahan ang patakaran sa distribusyon ng patalastas ng estado?              
Ang patalastas ng estado ay ipinamamahagi sa tanggapan ng media batay sa transparent na patakaran.     Ang patalastas ng estado ay ipinamamahagi sa tanggapan ng media batay sa mga patakaran ngunit hindi malinaw kung ang mga ito ay transparent.             Walang patakaran kaugnay ng distribusyon ng patalastas ng estado  sa mga tanggapan ng media.         
KAHALAGAHAN NG PATALASTAS NG ESTADO     

Ano ang kaparte ng patalastas ng bilang bahagi ng pangkalahatang merkado ng patalastas sa telebisyon / radyo / babasahin/ online? 

HALAGA: Walang datos na makuha tungkol sa kaparte ng patalastas ng estado sa merkado.    

Parte ng patalasas ng estado ay <5% ng pangkalahatang merkado.           Parte ng patalasas ng estado ay 5%-10% ng pangkalahatang merkado. Parte ng patalasas ng estado ay > 10% ng pangkalahatang merkado.       

Sources: 

Media Ownership Monitor Legal Assessment (2016), Romel R. Bagares
Government Procurement Reform Act, Republic Act 9184
Republic Act 10390, March 2013

(Pampulitikal na) kontrol sa mga ahensya na pagbabalita

Tinatasahan ng palatandaang ito ang saklaw at pagsasarili ng mga magkakakumpitensiyang ahensya ng pagbabalita, kabilang ang pagtatasa sa antas ng pagmamay-ari ng estado at antas ng pagsasarili ng mga ahensya ng pagbabalita na pagmamay-ari ng estado.

Resulta:

Kahit na ang impormasyon tungkol sa pananalapi ng merkado ng mga ahensya ng pagbabalita ay kulang at ang palatandaan ay maaari lamang suriin ng bahagya, ito sa pangkalahatan ay nagpapakita ng mataas na panganib. Kahit na ang mga pandaigdig na ahensya ng pagbabalita ay mahalagang pinagkukunan ng impormasyon ng mga tanggapan ng media, ang tanging ahensya ng pagbabalita na may pangunahing pambansang pokus at may direktang daan sa pampulitikal na impormasyon ay serbisyo ng gobyerno

Bakit?

  • Karamihan ng tanggapan ng media ay tagapagtaguyod, o subscriber, ng mga pandaigdig na ahensya ng pagbabalita tulad ng Reuters, Associated Press (AP) at Agence France Press (AFP). Gayunman, sila ay kadalasang naka base sa Maynila.

    l  Ang tanging ahensya ng pagbabalita na may mga mamamahayag at stringer, o hindi regular na mga reporter, sa buong bansa ay ang Philippines News Agency (PNA). Ito ay isang serbisyo na web-based newswire ng gobyerno na inilunsad 35 taon na ang nakaraan. Ito ay may mga isang daang mamamahayag at stringer sa buong bansa, na ipinadadala sa halos bawat opisina at ahensya ng gobyerno, kabilang ang mga pangunahing opisina at kampo ng pulis at puwersa ng seguridad, para makapaghatid ng balita 24/7 para sa mga pang lokal, pang rehiyon at pandaigdig na mga tagapagtaguyod at mambabasa. 

  • Inihayag din ni Pangulong Duterte (Hunyo 2016) na gagawin niya ang mga opisyal na anunsiyo at pahayag sa pamamagitan lamang ng media na pagmamay-ari ng estado. Kaya ang paghahanda, pag edit, at distribusyon ng impormasyon kaugnay ng sangay ng ehekutibo ay patungo sa kamay lamang ng gobyerno.

    MABABA (1)KATAMTAMAN (2)MATAAS (3)

    Ano ang kaparte sa merkado ng pangunahing ahensiya ng pagbabalita?

    HALAGA: Walang makuhang datos kaugnay ng parte sa merkado ng mga ahensya ng pagbabalita. 

    Walang ahensya ng pagbabalita na nangingibabaw sa merkado (may hawak ng >30% ng merkado ng mga ahensya ng pagbabalita).      Isang ahensya ng pagbabalita ay may <50% ≥30% parte sa merkado ng mga ahensya ng pagbabalita.      Ang nangungunang ahensya ng pagbabalita ay may ≥50% parte ng merkado.          
    Paano mo susuriin ang pampulitikal na kaugnayan at/o pagpapakandili ng pinakamalaking ahensya ng pagbabalita?     
    Wala sa mga pinakamalaking ahensya ng pagbabalita ang nagpapakandili sa mga grupong pulitikal pagdating sa tuntunin ng pagmamay-ari, kaugnayan ng pangunahing tauhan o polisiya ng editoryal.            Kahit isa sa mga pinakamalaking ahensya ng pagbabalita ay nagpapakandili sa mga grupong pulitikal pagdating sa tuntunin ng pagmamay-ari, kaugnayan ng pangunahing tauhan o polisiya ng editoryal.      Karamihan o lahat ng mga pinakamalaking ahensya ng pagbabalita ay nagpapakandili sa mga grupong pulitikal pagdating sa tuntunin ng pagmamay-ari, kaugnayan ng pangunahing tauhan o polisiya ng editoryal.        
    Sources: 

Duterte to make announcements only through state media (2016), Inquirer.net
The Philippine News Agency (n.d.), Asia.net
The Philippines (n.d.), Thomson Reuters
The Philippine News Agency (n.d.)

  • Project by
    VERA Files
  •  
    Global Media Registry
  • Funded by
    BMZ