This is an automatically generated PDF version of the online resource philippines.mom-gmr.org/en/ retrieved on 2024/09/08 at 15:35
Global Media Registry (GMR) & VERA Files - all rights reserved, published under Creative Commons Attribution-NoDerivatives 4.0 International License.
VERA Files LOGO
Global Media Registry

Media Transparency

TEORYA: Mga Provision ng Transparency

Ang mga kumpanya na nakarehistro sa Pilipinas ay kailangan ipaalam ang balangkas ng kanilang pagmamay-ari sa Securities and Exchange Commission (SEC), kung saan ang impormasyon ay maaaring mabili.

Lahat ng mga kumpanyang nakalista sa stock exchange ay kailangan din ilathala ang impormasyon kaugnay ng pagmamay-ari, bukod sa iba pang mga bagay ang profile ng kumpanya, Board of Directors, balangkas ng organisasyon, balangkas ng mga namumuhunan pati ang pana-panahon na mga ulat at pahayag ng kapaki-pakinabang na pagmamay-ari at ang General Information Sheet. Walang  katulad na patakaran para sa mga kumpanyang hindi nakalista sa stock exchange.

PAG-EKSAMIN NG KATOTOHANAN: Gaano ka transparent ang media ng Pilipinas?

Sinusuri ng Media Ownership Monitor ang datos na maaaring makuha ng madla, online at offline (mga dokumento ng SEC). Para makumpleto ang kulang na datos, ang lahat ng tanggapan ng media at mga kumpanya ay kinausap/tinawagan para sagutin ang listahan ng mga karagdagang katanungan. Ang resulta para sa 43 sinuri at tanggapan ng media na tinanong/kinausap: 

 

  • Ang tanging mga tanggapan ng media na actively transparent ay iyong mga kabilang sa mga kumpanyang nakalista sa stock exchange, na may obligasyon sa batas na ipaalam na kusa at komprehensibo ang tungkol sa pagmamay-ari nito sa website o sa pahayagan (may kinalaman sa 22.2  porsiyento ng mga tanggapan, kabilang dito ang ABS-CBN, GMA, Manila Bulletin Publishing).
  • Siyam (9) na tanggapan ng media (20 porsiyento) ang itinuturing na passively transparent – nangangahulugan na ang mga kinatawan ng kanilang punong kumpanya ay tumugon sa karagdagang katanungan at naging bukas sa pakikipag-usap sa grupo na nagsasaliksik (Sun.Star Publishing, Incorporated).
  • Para sa karamihan ng tanggapan ng media at may kaugnayang mga kumpanya (48 porsiyento), ang datos ng pagmamaya-ari ay kahit paano maaaring makuha ng publiko sa SEC. Sa ilang mga pagkakataon, ito ay hindi naisasapanahon taun-taon.
  • Para sa dalawang (2) tanggapan ng media, ang datos ay hindi makuha (4.4 porsiyento) – ang mga kumpanya ay hindi sumagot at walang pampublikong rekord.
  • Walang kumpanya na sadyang nagtago ng balangkas ng pagmamay-ari, halimbawa sa pamamagitan ng mga huwad na kumpanya.

NGUNIT: ISANG SISTEMA NG PAGPAPATONG-PATONG ANG LUMILIGALIG SA TRANSPARENCY

Ang umiiral na mga patakarang pamproteksiyon ay hindi rin kayang hadlangan ginagawang pagpapatong patong ng balangkas ng kumpanya para maitaga ang tunay na nakikinabang na mga may-ari. Ang mga masalimuot na balangkas ay legal at maaari, sa teorya, paghiwa-hiwalayin – na nangangailangan ng kakayahang umunawa at ng napakalawak na imbestigasyon at pagsusuri. Si Roberto Tiglao, halimbawa, ay walang inaksayang pagsisikap para malantad ang imperio ni Manuel V. Pangilinan at sundan ang bakas nito pabalik sa isang dayuhang  mamumuhunan.

Ang mga kumpanya ay kailangan din ipaalam ang balangkas ng kanilang pagmamay-ari at datos kaugnay ng pananalapi – ngunit ito ay hindi nakatalaga ng hiwa-hiwalay kada tanggapan ng media.

INTRANSPARENT: State Advertising

Sa ilalim ng bagong Government Procurement Reform Act, ang pagkuha ng lahat ng kalakat at serbisyo – kabilang ang ispasyo para sa patalastas – ay kailangang dumaan sa pampublikong subastahan. Ang layunin ay hadlangan ang pagpapatalastas ng estado, na para sa interes ng publiko, na maging limitado sa iilang pinapaborang tanggapan ng media. Ang regulasyon, gayunman, ay halos hindi naisasakatuparan. Ang mga ahensya ng gobyerno ay kinakailangang ipalathala ang mga alok sa kanilang mga website pati na sa mga pahayagan na may pangkalahatang sirkulasyon  – na hindi ginagawa. Ang Commission of Audit (COA) ay obligadong ipaalam ang proseso ng subasta at kung paano ginasta ang pondo ng estado – na hindi rin ginagawa. Wala rin pagsubaybay na ginagawa para tiktikan at maghigpit sa mga lumalabag sa kautusan.

 

Ang katotohan, itinaas ng pondo ng gobyerno ang authorized capital stock ng pag-aari ng estado na  People’s Television Network mula PhP1 bilyon hanggang PhP6 bilyon at binigyan ito ng pahintulot na kumuha ng pang-komersiyal na pagkakakitaan (Republic Act 10390, March 2013). Ipinakikita nito ang hindi patas na distribusyon ng patalastas ng estado (sa mga tuntunin ng audience share) sa media, dahil ang mga himpilan ng gobyerno ay mas kaunti ang naaabot na manonood/tagapakinig kaysa sa ibang mga himpilan.

PAATRAS NA HAKBANG: REVERSE SEARCH

Isang malaking hakbang na paatras ang pag-aalis ng “reverse search” sa pagpapatupad ng Data Privacy Act. Ang reverse search ay pinahihintulutan hanggang kamakailan ang paghahanap tungkol sa mga may-ari ng media, ibig sabihin, para makakuha ng impormasyon sa lahat ng interes na hawak nila sa ibang mga negosyo . Noong Agosto 2016, tinanggihan ng SEC ang kahilingan ng VERA Files para mag reverse research. Magbasa ng karagdagan…

  • Project by
    VERA Files
  •  
    Global Media Registry
  • Funded by
    BMZ