This is an automatically generated PDF version of the online resource philippines.mom-gmr.org/en/ retrieved on 2024/09/08 at 19:28
Global Media Registry (GMR) & VERA Files - all rights reserved, published under Creative Commons Attribution-NoDerivatives 4.0 International License.
VERA Files LOGO
Global Media Registry

Team

MOM Team

Si Ellen Tordesillas ay trustee at manunulat ng VERA Files, nangangasiwa ng “Media Ownership Monitor” Philippines. Siya ay kolumnista ng pahayagang Malaya at ang tabloid nito na Abante. Siya rin ay isa sa pinakakilalang political blogger ng bansa: www.ellentordesillas.com.

Noong 1999, nanalo siya ng Jaime V. Ongpin award sa best investigative reporting para sa special report tungkol sa Public Estates Authority- Amari deal, tinawag na “The Grandmother of all scams”, na isinulat niya kasama si Sheila Coronel para sa Philippine Center for Investigative Journalism. Nang taong iyon, siya ang itinanghal na Marshall McLuhan fellow. Dalawang beses siyang ginawaran ng parangal ng Manila Rotary Club: noong 1999 bilang Investigative Reporter of the Year, kasama ulit si Coronel, at nitong 2016 bilang Outstanding Female Opinion Writer. Nagsulat siya ng libro, “Hot Money, Warm Bodies – the downfall of President Joseph Estrada” noong 2001, sa pakikipagtulungan sa Australyanong mamamahayag na si Greg Hutchinson.

Si Lala Ordenes ay isang mamamahayag at patnugot at nagtra-trabaho sa VERA Files bilang lead researcher para sa “Media Ownership Monitor”. Nasa VERA Files mula pa noong 2011, siya ay nakasama sa iba't ibang proyekto tulad ng pag-uulat tungkol sa lehislatura ng bansa, PWD (persons with disabilities), human trafficking, national elections, road safety, at  fact check. Bahagi ng kanyang trabaho ang pangasiwaan ang mga correspondent at intern ng VERA Files. Isa siya sa mga may-akda ng dalawang libro ng VERA Files tungkol sa PWD: “The Right to Vote: Filipinos with Disabilities and the 2013 Elections” at “Getting it Right, Reporting on Disabilities in the Philippines.” Kasama rin siya sa research team para sa Asian Institute of Journalism and Communication’s “The political economy of the news media in the Philippines and the framing of news stories on the GPH-CNN peace process” na pinondohan ng Norwegian Peacebuilding Resource Centre. Dati siyang bahagi ng Philippine Center for Investigative Journalism bago sumapi sa VERA Files.

Si Verlie Q. Retulin ay nagtapos ng journalism sa University of the Philippines- Diliman. Dating intern sa VERA Files, nakapagsulat siya tungkol sa PWD at eleksyon ng 2016. Siya ang research assistant para sa “Media Ownership Monitor”.

Si Yvette B. Morales ay research assistant para sa “Media Ownership Monitor”. Siya ay graduate ng journalism sa University of the Philippines-Diliman. Naging intern sa VERA Files, nagsulat siya ng mga istorya tungkol sa edukasyon, PWD, disaster risk reduction at eleksyon ng 2016. Siya ay miyembro ng Pi Gamma Mu International Honor Society sa Social Sciences.

Si Atty. Romel Regalado Bagares ay Executive Director ng Center for International Law (CenterLaw), isang non-profit organization na nakatutok sa promosyon ng alituntunin ng batas sa Pilipinas at Asia sa pamamagitan ng umiiral na international legal norms. Nagtapos ng communication research (1994) at law (2003) sa University of the Philippines, mayroon din siyang masters in social and political theory mula sa Vrije Universitiet Amsterdam (2007, cum laude). Dating mamamahayag, si Ginoong Bagares ay lecturer ng public international law sa Lyceum Philippines University College of Law at sa Mass Media Law sa University of the Philippines College of Mass Communication.

Si Lisa-Maria Kretschmer ang project manager ng "Media Ownership Monitor", pinuno ng Research Media Ownership Monitor, at may pananagutan sa pagpapatupad ng proyekto sa Pilipinas. Bago nito, siya ay nakapagtrabaho sa larangan ng karapatang pantao at resilience, bukod pa sa iba para sa German Development Agency (giz) at isang miyembro ng German Parliament. Noong 2011, sumuporta siya sa isang international research project tungkol sa papel ng media sa hidwaan sa Ludwig-Maximilians-University Munich. Ang karanasang ito ang nakatutulong sa kanyang trabaho sa MOM, pati ang kanyang dating posisyon sa mga departamento at ahensya ng komunikasyon (profit at non-profit) para sa paglikha ng pampublikong kamalayan para sa mga alalahanin kaugnay ng karapatang pantao. Siya ay nag-aral ng political communication, journalism at economics sa Germany (LMU Munich, FU Berlin), The Netherlands, Denmark at Israel.

Si Olaf Steenfadt ang pinuno ng "Media Ownership Monitor" project para sa Reporters Without Borders. Sa loob ng maraming taon, siya ay kasama bilang consultant at coach para sa media pluralism, lalo na sa development cooperation. Mga utos ng international organizations at NGO ang nagdala sa kanya pangunahin sa Southeast Europe at sa Arab world. Dati siyang nagtrabaho para sa ARD at ZDF sa iba't ibang papel, kabilang na ang paging presenter sa radyo at telebisyon, investigative author, domestic at foreign correspondent, pati sa format development at program marketing. Si Olaf ay nagtuturo ng media history, media policy and regulation sa mga unibersidad sa Germany at Europe.

Si Josefine Spannuth ay estudyante ng Cultural Studies and Digital Media na may pokus sa kasalukuyang postcolonial difficulties at may espesyal na interes sa Asia. Sa hinaharap, plano niyang magtrabaho sa interface ng sustainable development cooperation at mga impluwensya ng media. Dati siyang nagtrabaho sa NGO Hope Project sa India/New Delhi. Bilang intern sa MOM, nais pa niyang magkaroon ng praktikal na karanasan sa field.

VERA Files

Ang VERA Files ay isang organisasyon ng media na non-profit na naglalayong isulong ang kahusayan sa pamamahayag sa pamamagitan ng mga masusing sinaliksik, may high-impact na report sa iba't ibang format, at pagbibigay ng training, partikular ang paggabay sa mga mamamahayag.

Itinatag noong Abril 2008 ng anim na beteranong mamamahayag, ang VERA Files ay nakagawa na ng pangunahing investigative reports at nakapaglathala ng mga balita at features na makabuluhan, napapanahon, kakaiba at kasiya-siya. Sa pamamagitan ng sari-saring proyekto, ang VERA Files ay nakabuo ng isang pambansang network ng mga mamamahayag sa iba't ibang bahagi ng bansa, sa iba ibang isyu mula sa human trafficking at PWD hanggang sa South China Sea at road safety.

Kabilang sa mga librong nailathala ng organisasyon ay Reporting on Millennium Development Goal 5, Improve maternal and reproductive health (A Primer for journalists), Bittersweet Stories of Farm Workers in the Philippines, Local edge: Decent work–Stories from the grassroots, Democracy at Gunpoint: Election-Related Violence in the Philippines, Silenced: Extrajudicial Killings and Torture in the Philippines, The Right to Vote: Filipinos with Disabilities and the 2013 Elections, Getting in Right, Reporting on Disabilities in the Philippines.

Ang mga report ng VERA Files ay lumalabas sa mga diyaryo, istasyon ng telebisyon at ibang online sites, bagaman ang pangunahing outlet nito ay ang sariling website, https://verafiles.org.  

Ang mga istorya ng VERA Files ay nasa iba't ibang format.

Reporters Without Borders

Ang Reporters Without Borders (Reporter Sans Frontières, RSF) ay itinatag sa Montpellier (France) noong 1985 ng apat na mamamahayag. Naka rehistro ito sa France bilang isang non-profit na organisasyon at may consultant status sa United Nations at UNESCO. Ang RSF ay tagapagtanggol ng kalayaan ng media, sumusuporta sa malayang media at pinoprotektahan ang mga nasa panganib na mamamahayag sa buong mundo. Ang mga misyon nito ay:

- Para tuloy tuloy na bantayan ang atake sa malayang (daloy ng) impormasyon sa buong mundo;

- Para isumbong ang anumang atake sa media;

- Para makipagtulungan sa mga gobyerno na labanan ang censorship at mga batas na naglalayong limitahan ang daloy ng impormasyon sa publiko

- Para bigyan ng moral at pinansiyal na tulong ang mga inuusig na mamamahayag, pati na ang kanilang mga pamilya

- Para mag alok ng materyal na tulong sa mga reporter na nakadestino sa lugar na may giyera upang mas mapangalagaan ang kanilang kaligtasan.

Mula 1994, ang seksiyon ng German ay aktibo sa Berlin. Bagaman ka-trabaho ng seksyon ng German ang International Secretariat sa Paris sa pagsaliksik at pagsuri sa kalayaan ng media sa buong mundo, ito ay may sariling organisasyon at pondo. Sa ganitong tungkulin, ito ay humiling ng pondo sa federal German Ministry for Economic Cooperation and Development -- para mapondohan ang proyektong Media Ownership Monitor.

Global Media Registry

Ang Global Media Registry (GMR) ay nagkokolekta, nagko-compile at nagbibigay – magagamit ng publiko o kaya self-reported – ng mga dataset at impormasyon na may konteksto tungkol sa mga media outlet sa buong mundo.

Sa paggawa nito, ang layunin ay paigtingin ang transparency, pananagutan at responsibilidad sa espasyo ng impormasyon. Kaya, pinadadali ng GMR ang mas mahusay na mga pagpipilian at paggawa ng desisyon, parehong algorithmic at pantao, ng lahat ng mga stakeholder. Maaaring kabilang dito ang bawat mamamayan at mamimili, mga regulator at donor, gayundin ang pribadong sektor – halimbawa mga advertiser at tagapamagitan (a. k. a. mga platform at distributor).

Sa pamamagitan ng pagbibigay ng pampublikong serbisyong ito bilang isang social enterprise, ang Global Media Registry ay nag-aambag sa pagsulong ng mga kalayaan ng impormasyon at pagpapahayag sa pangkalahatan.

Ito ay itinatag bilang isang spin-off mula sa Media Ownership Monitor project, na ngayon ay pinatatakbo bilang isang not-for-profit LLC na nakarehistro sa ilalim ng batas ng Germany.

  • Project by
    VERA Files
  •  
    Global Media Registry
  • Funded by
    BMZ