Kabuuan ng nilalaman
Ang media sa Pilipinas ay hindi umiiral na kawalan, kundi nababatay sa pulitikal, legal at panlipunang konteksto ng bansa. Ang pagkakaiba-iba ng media sa Pilipinas ay nabuo ayon sa mga pagbabagong bunsod ng kasaysayan at pulitika noong mga panahon ng kolonisasyon, diktadura, magkasunod na kilusang people power at demokratisasyon.
Ito ay nakasalalay din sa pangbatasang balangkas na nagbibigay ng garantiya sa malayang pananalita at pamamahayag — ngunit tila nagkukulang sa paghadlang sa konsentrasyon ng media at pagtanggal ng mga halang sa pagpasok ng mga bagong manlalaro sa media.
Kung titignan ang sitwasyon ng ekonomiya, advertising ang nananatiling bumubuhay sa media at isa sa pinakamahalagang pinagkukunan ng pondo ng karamihan ng media. Ito ay lalong pokus ng interes sa panahon ng kampanya tuwing eleksyon kung kailan ang mga pampulitikang patalastas ay nangangahulugan ng pagpasok ng pera sa mga pangunahing tagapaghatid ng balita o impormasyon.
Ang mga katangian ng lipunang Filipino, halimbawa ang kakayahan sumulat at magbasa at nakagawiang pagkunsumo ng pangangailangan, ang nagiging batayan kung anong media o uri ng media ang mangingibabaw at malamang na magkaroon ng pinakamalakas ng impluwensya sa paniniwala ng mamamayan.