This is an automatically generated PDF version of the online resource philippines.mom-gmr.org/en/ retrieved on 2024/12/11 at 21:34
Global Media Registry (GMR) & VERA Files - all rights reserved, published under Creative Commons Attribution-NoDerivatives 4.0 International License.
VERA Files LOGO
Global Media Registry

Legal Framework

Sa kasaysayan, ang Pilipinas ay kilala dahil sa sistema ng pamamahayag na tila walang hadlang sa rehiyon kung saan ang mga gobyerno ay patuloy na sinusupil ang pulitikal na opinyon. Ginagarantiyahan ng Saligang Batas ng 1987 ang kalayaan ng pagsasalita at pagpapahayag sa pamamagitan ng mga probisyon na halaw mula sa konstitusyon at batas ng Amerika, na nahaluan ng karanasan sa ilalim ng martial law. Ang mga batas ng Pilipinas mula noon ay tumukoy sa mass media bilang naghahatid ng balita na babasahin o brodkas, halimbawa radyo at telebisyon.

Hindi pa naisasabatas ng gobyerno ang Freedom of Information Act para maitaguyod ang karapatan sa impormasyon bilang katuwang ng karapatan ng malayang pagpapahayag. Dinidinig sa kasalukuyang Kongreso ang iba't ibang panukala ng nasabing batas. Samantala, nag-isyu si Pangulong Duterte ng Executive Order No. 2, Serye ng 2016 na nagbibigay ng daan para makakuha ng impormasyon sa loob ng sangay ng Ehekutibo. Gayunman, ito ay tinuligsa dahil sa mahabang listahan ng mga hindi kasama sa utos na mistulang nagpapahina sa kahalagahan nito bilang instrumento ng transparency sa gobyerno.

Pagmamay-ari at Patakaran sa Pamumuhunan: isang ilang na merkado?

Mula pa noong araw, ang pagmamay-ari at pamamahala ng mass media ay para lang sa mga mamamayan ng Pilipinas, o sa mga korporasyon, kooperatiba o asosasyon, na buung-buong pagmamay-ari at pinangangasiwaan nila. Bagaman layunin nito ang protektahan ang merkado, the kabuluhan ng regulasyon na ito ay pinag-uusapan ngayon. At ang pagpapatupad nito ang halatang nagkukulang – isaalang-alang halimbawa ang media at telekomunikasyon ni Manuel V. Pangilinan na maaaring sundan ang bakas pabalik sa mayamang negosyanteng Indonesian na si Anthoni Salim.

Ang makabagong teknolohiya tulad ng online news media at cable news media ay hinahamon ang mga matandang depinisyon ng media – at sa kahuli-hulihan ay tinukoy bilang imprastructura ng telekomunikasyon. Di tulad ng mass media o pagpapatalastas, ang industriya ng telekomunikasyon ay nasa ilalim ng pangangasiwa ng nagpapatakbo ng pampublikong pasilidad. Ang regulasyon kaugnay ng pamumuhunan ng dayuhan ay hindi akma: ang operasyon ng pampublikong pasilidad ay kailangan lamang na pagmamay-ari ng mamamayang Filipino hanggang 60 porsiyento, at may natitirang 40 porsiyento sa dayuhang mamumuhunan.

Ang Telecommunications Policy Act (1995) ay nagpapakita ng maagang alinsunuran ng patakaran na cross-media: kaya, ang nag-iisang tao, opisina o kumpanya ay hindi maaaring pumasok sa telekomunikasyon at pagbo-brodkas sa ilalim ng iisang prangkisa. Ito, gayunman, ay hindi nagbabawa sa may-ari na kumuha ng prangkisa ng telekomunikasyon na hiwalay sa prangkisa na pang brodkas.

 

Mga tanggapan na namamahala sa pagpapatupad ng regulasyon sa media

Walang umiiral na nagsasariling tanggapan na namamahala sa pagpapatupad ng regulasyon sa media. Gayunman, may ilang mga tanggapan ng gobyerno na may kinalaman sa proseso ng pagbuo ng mga legal na kondisyon para sa pagtatayo at pagpapatakbo ng tanggapan ng media. Ang pagtatatag ng negosyo sa industriya ng brodkas ay sumusunod sa magkatuwang na prinsipyo ng pagpa-prangkisa: ang unang kailangan ay ang pagrerehistro sa Securities and Exchange Commission (SEC) para makakuha ng prangkisa mula sa Kongreso (obligasyon ito ng lahat ng pribadong korporasyon) na may ikalawang pahintulot mula sa National Telecommunication Commission (NTC) sa pamamagitan ng Certificate of Public Convenience and Necessity – na minsan ay tinatawag na “ikalawang prangkisa”.

Walang partikular na tanggapan ng gobyerno na nakatutok sa pagsubaybay sa konsentrasyon ng media. Ngunit ang bagong tatag na anti-trust body sa ilalim ng Fair Competition Act – ang Philippine Competition Commission (PCC) - ay kailangang magsilbi na tagasubaybay, taga-hadlang o taga-buwag ng mga monopolyo sa media. Ang Kongreso ang dapat mamahala o magbawal sa mga monopolyo sa komersiyal na mass media kung kinakailangan para sa interes ng madla.

Walang kombinasyon sa pagpigil ng kalakal o hindi patas na kumpetisyon sa ganyang bagay ang dapat pahintulutan.

  • Project by
    VERA Files
  •  
    Global Media Registry
  • Funded by
    BMZ