This is an automatically generated PDF version of the online resource philippines.mom-gmr.org/en/ retrieved on 2024/09/08 at 17:30
Global Media Registry (GMR) & VERA Files - all rights reserved, published under Creative Commons Attribution-NoDerivatives 4.0 International License.
VERA Files LOGO
Global Media Registry

Ang Merkado ng Media

Habang pinagdadaanan ang panahon ng kolonisasyon, diktatura, kasunod ng mga kilusan ng People Power at demokratisasyon (magbasa pa sa Kasaysayan), isang katangian ng media ang nananatili: ang “maaliwalas na relasyon” ng mga may-ari ng media at kanilang mga executive sa isang banda, at mga makapangyarihang personalidad sa pulitika sa kabilang banda.

Mula pa nang pumihit ang ika-20 siglo, ang mga media ay pag-aari at direktang kontrolado ng oligarkiya o kanilang mga kasapi. Pinalitan ni Marcos ang mga tradisyunal na may-ari ng sarili niyang mga “crony” na umaktong mas higit pang konsentradong oligarkiya.

Pagkatapos ng Martial Law, may ilang mga pamilyar na mga mukha at bagong mga personalidad ang bumalik at pumasok sa merkado ng media, na hinahayaan silang itaguyod ang kanilang malawak na magkakaugnay na interes sa negosyo. (Smith 2000: 342).

Tila hanggang ngayon, wala pa rin pampulitikang kagustuhan o lakas ng loob na limitahan ang kapangyarihan sa merkado ng mga malalaking manlalaro sa media, kahit na sinisipsip ng mga umiiral na duopoly ang pondo mula sa mga palatastas at nagpapaandar sa ekonomiya ng merkado ng media (sektor ng telebisyon), na dahilan ng mas mataas sa karaniwang presyo at mabagal na Internet. 

Ang pangekonomiyang paniniil ay humahantong sa sensasyonalismo at infotainment

Ang pagpapanumbalik ng malayang pamamahayag at ang pamumulaklak ng mga bagong kumpanya ng media pagkaraan ng pagpapatalsik sa diktaturang Marcos, ay hindi agad nag resulta sa propesyonalismo ng pamamahayag.

Sa katunayan, ang pagsensor sa pulitika ng diktaturang Marcos ay madali napalitan ng pang-ekonomiyang pangangailangan ng merkado. Mahigpit na nagpapaligsahan ang mga kumpanya at ahensya ng media para makuha ang atensyon at mga order ng mga advertiser. Sa gayon kanilang nai-impluwensiyahan ang estilo ng pamamahayag: sila ay umaasa at nagpapalakas ng loob ng mga mamamahayag na gumawa ng sensasyonal na balita at manulsol dahil sa kanilang paningin, ito ang gusto ng merkado. (vgl. Vitug 2007). Ayon sa datos ng Nielsen para sa taong 2016, nakuha ang telebisyon ang 77 porsyento ng kabuuang kita mula sa advertising, samantalang ang radyo ay may 20 porsyento at ang print ay may dalawang porsyento lamang. Ang pinakamalaking bahagi — o halos lahat — ay napupunta sa mga malaking network tulad ng ABS-CBN (453.89 milyong dolyar, 2016) at GMA (264.61 milyong dolyar, 2016).

 Halalan ng 2016 — pagpasok ng pera sa paggastos sa patalastas

Taong 2016, ang oras para sa pag ere ng pampulitikang patalastas ay kailangang manatiling may paghihigpit tulad nang nangyari sa mga halalan noong 2010 at 2013 — na maraming kumpanya ng brodkas ang umalma at nagsampa pa ng demanda laban sa limitasyon.

Ang Korte Suprema ay pumanig sa kanila, at itinuturing ang kalayaang magsalita kaugnay ng pulitika at magkalat ng impormasyon tungkol sa pulitika ay protektado ng pangunahing batas.

Ngunit kahina-hinala kung ang argumentong iyon ay ang pangunahin o kahit tanging katuwiran para sa mga kumpanya ng brodkas na humarap sa korte.

Sa kanilang perspektiba, ang pampulitikang patalastas ay unang una kapaki-pakinabang: ayon sa Nielsen, ang paglaki sa paggastos sa patalastas sa telebisyon at radyo mula sa gastos sa halalan, kung ikukumpara sa ikalawang quarter ng 2016 nang naunang taon, ay plus 25%. Ibig sabihin, mas malamang na pulitikal o may kaugnayan sa pulitika ang mga nagdagdag ng kanilang paggastos para sa patalastas na nagbigay ng karagdagang 28,772 milyon  Php (594.4 bilyon $) sa industriya.

Habang ang kabuuang dagdag na pera ay ginasta sa patalastas sa telebisyon, ang tunay na nagpapatakbo ng dami ng bilang ng kinukuhang patalastas ay ang radio, na may 13% na mas maraming patalastas.. Ang bilang ng patalastas para sa telebisyon (-1%) at babasahin (-5%) ay bumaba pa nga kumpara sa 2015. Dalawang bahagi ang ipinakikita ng ginawang paghahambing ng Nielsen: una, tila pinaigting ng mga pulitiko ang kampanya sa radyo sa panahon ng halalan. Pangalawa, ang mga patalastas sa telebisyon ay medyo mas mahal kumpara sa ibang mga channel: ang patalastas sa telebisyon ay karaniwang nagkakahalaga ng 42.238 PhP (874 USD), kumpara sa spot sa radyo na tinatayang nagkakahalaga ng 10.829 Php (224 USD).

  • Project by
    VERA Files
  •  
    Global Media Registry
  • Funded by
    BMZ