This is an automatically generated PDF version of the online resource philippines.mom-gmr.org/en/ retrieved on 2024/09/08 at 19:23
Global Media Registry (GMR) & VERA Files - all rights reserved, published under Creative Commons Attribution-NoDerivatives 4.0 International License.
VERA Files LOGO
Global Media Registry

Online

Website Database

Ngayong halos lahat ng mga mata ay nakatitig sa kanya-kanyang mga telepono, hindi nakapagtatakang halos kalahati, o 43.5 porsiyento, ng mga Filipino ay gumagamit ng internet – na nangangahulugan na mayroon internet sa bahay, gamit ang anumang aparato.

Mula taong 2000, tuluy-tuloy ang pagpasok ng internet sa Pilipinas. Noong 2016, ang Pilipinas ay naging ika-15 sa mga bansa na may pinakamaraming gumagamit ng internet at kabilang sa apat na mga bansa sa buong daigdig kung saan ang social networking online ay kumakain ng higit  3 oras ng mga tao kada araw.  Ang lahat ng ito ay sa kabila ng pagiging nasa huling baitang pagdating sa bilis ng internet.

Habang hindi naman kinakailangan ng mga Filipino na umubos ng labis na oras sa online para makakuha ng balita, ibinibilang pa rin nila ang internet bilang mahalagang pinagkukunan ng impormasyon pagkatapos ng telebisyon at radyo – bago ang mga babasahin. Ang kanilang tiwala sa mga pampulitikang balita online ay, gayunman, limitado: wala pang isa sa 10 ang naniniwala na mapagkakatiwalaan ang impormasyon tungkol sa gobyerno, ayon sa survey ng EON Trust Index.

Mayroong datos kaugnay ng sumusunod online pero ito ay bilang ng mga solong pagbisita at hindi bilang audience share. Ang mga pinakapopular na websites, ayon sa Effective Measure at Alexa, ay pag-aari ng mga kumpanya na naglalathala din ng ibang mga media (ABS-CBN, GMA Network, Inquirer, atbp.), na nagpapatibay ng kanilang posisyon na cross-media.

Ang mga kumokonsumo ng online ay hindi limitado sa Pilipinas lamang. Sa katunayan, 51 porsiyento ay mula sa labas ng Pilipinas, karamihan mula sa Estados Unidos at Gitnang Silangan. Sa halos 2.4 milyong Filipino na nasa ibang bansa bilang Overseas Filipino Workers (OFWs), ang mga website sa bansa ay nakaaabot sa ibang mga rehiyon tulad ng Gitnang Silangan, Estados Unidos at Silangang Asya, kung saan ang mataas na konsentrasyon ng mga OFWs.

Sa labas ng Pilipinas, ang sumusunod sa abs-cbn.com, halimbawa, ay mula sa Estados Unidos, Japan, Saudi Arabia at Qatar. Ganoon din sa ibang mga nangungunang website ng mga balita sa Pilipinas.

Ang nangingibabaw na broadband provider na Philippine Long Distance Telephone Company, at mga pangunahing kakumpitensya nito, ang may kontrol sa kalakhan ng merkado ng Internet Service Provider market at ganun na rin sa imprastruktura na online. Ayon sa Forbes, ang balangkas na ito ng merkado ang nagbibigay daan sa kanila na maningil ng bayarin na mas mataas kaysa sa ibang lugar sa Asya sa kabila ng may kahirapang populasyon. Ang PLDT ay naniningil sa ibang mga provider para sa trapik na dumadaan din sa kanilang network. Isa pang dahilan para sa limitadong bilis ng broadband ay ang kakulangan ng internet peering.

Ang gobyerno ng Pilipinas ay walang balak na mamuhunan sa isang alternatibong imprastruktura na broadband dahil ang pakikipagkumpitensya sa PLDT at Globe ay magiging masyadong magastos, ayon sa National Telecommunications Commission. Sa halip, plano nitong dagdagan ang trapik sa mga lalawigan sa pamamagitan ng paglikha ng pangangailangan o demand subsidy. Ibig sabihin, ang gobyerno ang magbabayad para sa internet ng mas malalayong lugar, bilang insentibo para sa mga pangunahing ISPs na mamuhunan pa sa broadband sa mga lalawigan. Gayunman, walang katiyakan kung paano itong mabisang pagpapalakas ng posisyon sa merkado ng PLDT at Globe ay hahantong sa kanilang pagbababa ng bayarin sa bandang huli.

  • Project by
    VERA Files
  •  
    Global Media Registry
  • Funded by
    BMZ