Ang Pilipinas ngayon ay isang bansa na hindi nagbabasa ng pahayagan.
Halos isa lang sa bawat 10 Filipino ang nagbabasa ng pahayagan araw araw, ayon sa 2013 Functional Literacy, Education and Mass Media Survey (FLEMMS) ng Philippine Statistics Authority. Ang mga magazine ay bahagyang mas popular, na may 30.7 porsiyentong nagbabasa kahit na minsan isang linggo.
Ang mga pahayagan sa Pilipinas ay dalawang klase: maliit at mas murang tabloid ay kadalasang Pilipino at naglalaman ng mas maraming balita tungkol sa krimen and istorya tungkol sa entertainment. Ang broadsheet, sa kabilang dako, ay mas malaki at doble ang presyo ng tabloid. Lahat ng broadsheet ay Ingles, ang ilan may kasamang seksyon sa negosyo at lifestyle bukod sa balita, tampok na mga istorya at palakasan. Ang ilang broadsheet ay may mga kaparehang tabloid, tulad ng Philippine Daily Inquirer at Bandera, at Philippine Star at Pilipino Star Ngayon.
Mas mabili at mas popular ang mga tabloid kaysa mga broadsheet. Sa katunayan, tatlong broadsheet lang ang kabilang sa nangungunang 10 na pinakabinabasang mga pahayagan, ayon sa isang Nielsen survey. Dagdag sa 10 ay tatlo pang pahayagan. Ang dalawa ay nakatutok sa negosyo na mga pahayagan na mga broadsheet din: BusinessMirror at BusinessWorld. Ang pangatlo ay pang-rehiyon na diyaro, ang Sun.Star na iniimprenta sa anim na pangunahing lungsod sa Pilipinas.
Wala gaanong konsentrasyon sa merkado ng babasahin; ang apat na pinakamalaking kumpanya ay may pinagsama-samang mambabasa na 21.5 porsiyento, lahat sila ay nasa parehong liga, nakaaabot ng tig-5 porsiyentong mambabasa.
Karamihan ng pahayagan ay may masugid na mambabasa sa kanilang bersyon online. Ang bersyon online ng tatlong broadsheet na nasa nangungunang 10 babasahin —Inquirer, Star at Manila Bulletin—ay ang pinakalaging binibisita na mga website sa Pilipinas.
Ang media ng mga babasahin ang pangkaraniwang iniuugnay sa mga pamilya na nangingibabaw sa kumpanya. Ang Inquirer Holdings ay pag-aari ng pamilya Rufino-Prieto samantalang ang pamilya Belmonte ay may Star Group. Ang pamilya Yap ang may-ari ng Manila Bulletin Publishing Corporation. Ang pamilya Macasaet ang may hawak ng Monica Publishing Corporation at Sison's Publishing Corporation naman ay sa pamilya Sison.
Tala: Ang audience share ay tinatantiya lang bilang kahalili. Nielsen Inc. ang nagbigay ng share sa “mga insidente ng mambabasa,” na nagtatantiya na may humigit-kumulang 40.6 milyong Filipino ang posibleng nagbabasa ng mga pahayagan at magazine sa mga pangunahing lungsod sa buong Pilipinas. Ang mga share na ito ay iniugnay sa bilang ng mga taong nagbabasa ng pahayagan kahit na minsan isang linggo, kabuuang 27.8 porsiyento (FLEMMS Report 2013) – na itinakdang 100 porsiyento na audience share.