This is an automatically generated PDF version of the online resource philippines.mom-gmr.org/en/ retrieved on 2024/09/08 at 17:06
Global Media Registry (GMR) & VERA Files - all rights reserved, published under Creative Commons Attribution-NoDerivatives 4.0 International License.
VERA Files LOGO
Global Media Registry

Telebisyon

Napakapopular at pinagkakatiwalaan ang telebisyon sa Pilipinas: 81 porsiyento ng mga Filipino ang nanonood ng telebisyon, 71.6 porsiyento ang nanonood kahit minsan isang linggo, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA). Telebisyon din ang pinakagamit (99 porsiyento) at pinakapinagkakatiwalaan (58 porsiyento) na pagkukunan ng impormasyon tungkol sa pulitika at kaya malamang na may impluwensya sa opinyon ng madla.

Habang ang mga himpilan na nagsasahimpapawid ng libre ang pinakapopular sa mismong bansa, ang teknolohiya ng satellite at cable ay mistulang nagawa na panlahat ang brodkas media at naaabot ang malaking komunidad ng mga Filipino sa buong mundo. Mga 12 porsiyento sa mga lungsod sa Pilipinas ang may subscription sa cable/satellite habang ang mga subscription na ito ay nakatuon sa mga may-kaya.

Mataas na konsentrasyon

May malaking bilang ng mga istasyon ng telebisyon sa Pilipinas -- 437 istasyon sa buong bansa, ang 23 nasa Metro Manila. Gayon pa man, ang merkado ng telebisyon ay mataas ang konsentrasyon, dahil ang apat na pangunahing may-ari, ang ABS-CBN Corporation, GMA Network Incorporated, TV5 Network Incorporated, at Nine Media Corporation, ay naabot ang 88.77 porsiyento ng nanonood ng telebisyon. Ang resulta ay lalo kapansin-pansin dahil ang dalawang pinakamalaking kumpanya – ang ABS-CBN Corporation at GMA Network Incorporated – ay isang duopoly, na mahigpit na hawak hawak ang 80.72 porsiyento ng manonood. Kaugnay nito, ang ika-apat na malaking network ay masyadong maliit (Nine Media Corporation), nakaaabot lang ng 0.45 porsiyento ng manonood.

TV Database
  • Project by
    VERA Files
  •  
    Global Media Registry
  • Funded by
    BMZ