Relasyon ng Pamilya
Limang pamilya sa listahan ng Forbes magazine ng mga pinakamayayaman sa Pilipinas sa taong 2016 ay nasa media, apat sa kanila ay nagkamal ng salapi mula sa media:
- Ang pamilya Lopez ang nangunguna sa listahan ng mga bilyonaryong nasa media: Ang pamilya Lopez ay pinamunuan ni Eugenio Lopez III, ang apo ng tagapagtatag ng Lopez Group at ABS-CBN Corporation na si Eugenio “Eñing” H. Lopez Sr. Si Eugenio H. Lopez Sr. ay anak ni dating gobernador Benito Lopez ng Iloilo at ang nakatatandang kapatid ni dating Vice President Fernando H. Lopez. Si Regina Paz “Gina” Lopez ay walang hinahawakang posisyon sa pamunuan ng kumpanya ng media ngunit siya ay kasalukyang Department of Environment and Natural Resources Secretary, isang posisyon sa Gabinete na iginawad ni President Rodrigo Duterte.
- Ang trio nina dating congressman Gilberto Duavit, Menardo Jimenez at Felipe Gozon ang may kontrol sa GMA Network. Ang anak na si Gilberto Jr. ang nagpapatakbo ng operasyon ng network samantalang ang mas nakababatang anak ni Duavit na si Michael ay iniwan ang kanyang posisyon sa board para tutukan ang kanyang karera sa pulitika. Ang bayaw ni Duavit, si Menardo Jimenez, dating presidente ng GMA Network, ay mayroon pa rin shares habang nagsisilbi bilang consultant sa investment bank na First Metro Investment. Ang kinitang pera mula sa pampulitikang patalastas sa pampanguluhang eleksyon ng 2016 ay nagresulta sa 150 porsiyentong pag angat ng kita para sa network sa loob lang ng apat na buwan.
- Ang pamilya Yap, na nagkamal ng yaman mula sa banking, ang may-ari ng Manila Bulletin Publishing na siyang naglalathala ng pinakapopular na broadsheet, ang Manila Bulletin, pati na rin ang mga tabloid na Balata at Tempo.
Bagamat ang mga piling tao na may impluwensya sa kabuhayan at pulitika ay magkakaugnay, ang mga kaugnayang ito ay hindi naman humantong sa diskriminasyon ng pinupuntiryang tao o grupo kamakailan, kasama na sa pangkalahatan ang bahagyang paggamit ng pulitika sa pag kontrol ng media na hayagang ginawa. Ipinahihiwatig nito ang potensyal na panganib sa media sa oras na ang mga maimpluwensyang tao sa pulitika ay mag umpisang samantalahin ang kahinaan ng mga may-ari ng media.