This is an automatically generated PDF version of the online resource philippines.mom-gmr.org/en/ retrieved on 2025/01/21 at 17:21
Global Media Registry (GMR) & VERA Files - all rights reserved, published under Creative Commons Attribution-NoDerivatives 4.0 International License.
VERA Files LOGO
Global Media Registry

Ang Kwento ng Dalawang Conglomerate

Dalawang kumpanya lang ang nagko-kontrol sa kalakhan ng media sa Pilipinas, na nangangahulugan na karamihan ng mga Filipino ay kumukuha ng kanilang balita sa impormasyon sa dalawang ito.

Sila ang conglomerate ng media na ABS-CBN Corporation at GMA Network Incorporated na—batay sa audience share, naaabot, at kita sa patalastas—ang pinakanangingibabaw na kumpanya ng mga media sa Pilipinas.

Ito ang dahilan kaya sinasabing ang mga Filipino ay Kapamilya o Kapuso: Kapamilya, ang islogan ng ABS-CBN, ibig sabihin miyembro ng pamilya, at Kapuso, islogan ng GMA Network, ibig sabihin “kaisa ng puso.”

Sila ay mga himpilan na libre magsahimpapawid—ang ABS-CBN 2 at Sports + Action ng Kapamilya at GMA 7 and GMA News TV ng Kapuso—ay nakuha ang 80.72 porsiyento ng mga manonood na Filipino, ayon sa TV Audience Measurement ng Nielsen mula Enero hanggang Agosto 2016. 

Sila rin ang may pinakamalaking audience share sa radio: 24.9 porsiyento para sa DZMM ng ABS-CBN at 22.3 porsiyento para sa DZBB ng GMA, halos kalahati ng mga nakikinig na madla, batay sa Radio Audience Measurement ng Nielsen mula Enero hanggang Agosto 2016.

Ang kanilang online platform ay parehong nasa nangungunang 10 ng Alexa, isang site na sumusukat ng trapik sa web, kung saan ang abs-cbn.com ay nasa ika-anim at ang gmanetwork.com nasa ika-10 pwesto.

Sila ay nasa bahay ng halos lahat ng Filipino, na ang pinakamalawak na naaabot ay 7,107 isla ng bansa, napapalawak pa sa 11.5 milyong Filipino sa labas ng bansa.

Ang GMA Network Incorporated, na pag-aari ng mga pamilya Gozon, Jimenez, at Duavit, ay may 88 istasyon ng telebisyon sa buong kapuluan noong Disyembre 2015 at ang signal ng mga ito ay nakaaabot sa halos 98 porsiyento ng mga sambahayan na may telebisyon sa mga siyudad ng bansa, batay sa Television Establishment Survey noong 2015 ng Nielsen.

Naaabot din nila ang milyong mga Filipino na nakatira sa ibang bansa sa pamamagitan ng kanilang pandaigdig na himpilan na maaaring mapanood sa cable, diretso sa bahay at online sa pamamagitan ng internet protocol television (IPTV).

Sa kabilang dako, ang ABS-CBN Corporation, na pag-aari ng pamilya Lopez, ay may 80 libreng nagsasahimpapawid na istasyon ng telebisyon sa buong bansa, walong himpilan na cable, at mga pandaigdig na himpilan gamit ang diretso sa bahay na serbisyo ng satellite, mga himpilan ng telebisyon na cable at IPTV.

Ang kanilang pangunahing istasyon ng telebisyon, ABS-CBN 2, ay nakaaabot ng tinatayang 97 porsiyento ng lahat ng sambahayan na may telebisyon sa Pilipinas, batay sa pinakahuling datos na inilabas ng istasyon.

Ang Kapamilya Network ay may 16 istasyon ng radyo na FM at apat na istasyon ng radyo na AM na nakikipagkumpitensya sa network ng Kapuso na may 19 na istasyon ng radyo na FM at apat na istasyon ng radyo na AM sa buong bansa. 

Hindi nakapagtataka na nakuha na nila ang pinakamalaking bahagi ng merkado: 79.44 porsiyento ng kaparte ng merkado para lang sa dalawang conglomerate, nangangahulugan na ang lahat ng natitirang media na may dalawa o mas marami pang tanggapan ay pinaglalabanan ang natitirang 17.05 porsiyento ng merkado.

Ang pinakamalaking atraksyon ng dalawang pangunahing network ay ang kanilang mga soap opera, na ang mga gumaganap ay naging bahagi na ng pamilyang Filipino at pag-iisip.

Napag-alaman ng 2013 Functional Literacy, Education, and Mass Media Survey na 81 porsiyento ng mga Filipino ay nanonood ng telebisyon samantalang sinabi naman ng 2015 Philippine Trust Index na ang telebisyon ang pinakagamit at pinakapinagkakatiwalaang pagkukunan ng pampulitikal na impormasyon.

Ang kanilang mga personalidad sa telebisyon ay naging bukang-bibig na sa mga sambahayan, na nagbunga ng kapangyarihan at impluwensya. Sila ay naging popular, sapat na para maging panlaban sa pulitika, at ang isa ay malayo na ang narating at nahalal pa sa ikalawang pinakamataas na posisyon sa bansa.

Sila ang dalawang higante ng media sa Pilipinas, ang pinagmumulan ng napakalaking anino sa pang-araw-araw na buhay ng mga Filipino.

  • Project by
    VERA Files
  •  
    Global Media Registry
  • Funded by
    BMZ