This is an automatically generated PDF version of the online resource philippines.mom-gmr.org/en/ retrieved on 2024/09/08 at 19:14
Global Media Registry (GMR) & VERA Files - all rights reserved, published under Creative Commons Attribution-NoDerivatives 4.0 International License.
VERA Files LOGO
Global Media Registry

Ang Papel ng Relihiyon

Ang mga lider ng relihiyon ay labis na ginagalang at may kakaibang hawak na kapangyarihan at impluwensiya sa mga komunidad sa Pilipinas. Kapag ipinagsama sa kapangyarihang ng mass media, ito ay isang makapangyarihang pormula.

Mahalagang papel ang ginagampanan ng kabanalan sa buhay ng mga Filipino. Ang karamihan ay kaanib sa relihiyon, at 80.6 porsiyento ay Romano Katolika, isang labi ng kolonyal na nakaraan ng bansa.

Dahil dito, ang mga pulitiko ay humihiling ng pag-endorso ng mga lider ng relihiyon sa panahon ng halalan, isang pagkilala sa kanilang impluwensiya sa malaking grupo ng mga botante.

Ang pag-aari ng simbahang Katolika na Radyo Veritas ay gumanap ng importanteng papel sa kasaysayan ng bansa. Ito ang himpilan ng simbahang Katolika na ginamit para manawagan sa mga tao na magtipon sa EDSA noong Pebrero 1986 at protektahan ang grupo ng mga opisyal ng militar at mga sundalo na lumaban kay Pangulong Ferdinand Marcos, na nauwi sa People Power revolution.

Tatlong maimpluwensiyang lider ng relihiyon rehistradong may-ari ng media

Ang Kristiyanong pastor, si Eduardo “Brother Eddie” Villanueva, tagapagtatag ng Jesus is Lord Church Worldwide, ay nagmamay-ari, pati ang kanyang pamilya, ng Zoe Broadcasting Network Incorporated, na nagmamay-ari sa GMA News TV kasama ang GMA Network Incorporated. Ang Zoe Broadcasting Network Incorporated ang may hawak ng prangkisa mula sa Kongreso para sa himpilang VHF na ginagamit ng GMA News TV. Si Villanueva ay sumubok tumakbo noon para sa pambansang posisyon ngunit hindi siya nanalo. Siya ang kandidato para sa pagka-pangulo ng kanyang pampulitikal na partido, ang Bangon Pilipinas, sa halalan noong 2004 at 2010, at kandidato sa pagka-senador noong 2013. Ang kanyang anak, si Emmanuel Joel Villanueva, ay naging miyembro ng House of Representatives mula 2001 hanggang 2010 bilang kinatawan ng grupong party list na Citizens Battle Against Corruption (Cibac). Noong 2010, itinalaga siya ng noo'y Pangulong Benigno Aquino III bilang pinuno ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA). Nahalal siyang senador noong halalan ng Mayo 2016. Noong Nobyembre 14, 2016, iniutos ng Ombudsman ang kanyang pagpapatanggal sa serbisyo publiko dahil sa umano'y ma-anomalyang paggamit ng pondo mula sa kanyang pork barrel.

Si Pastor Apollo C. Quiboloy, malapit na malapit na kaibigan ni Pangulong Duterte at kanyang spiritual adviser, ang may-ari ng Sonshine Media Network International na may telebisyon at istasyon ng radyo sa buong bansa.

Ang Executive Minister ng Iglesia ni Cristo na si Eduardo V. Manalo ay may kaugnayan sa dalawang kumpanya ng media. Siya ang Chairman of the Board ng Christian Era Broadcasting Service International Incorporated na may-ari at nagpapatakbo ng INC TV o Iglesia ni Cristo channel, at ang kapatid nitong kumpanya, ang Eagle Broadcasting Corporation, na may-ari ng Net 25 channel at iba't ibang istasyon ng radyo sa buong bansa. Ang manugang ni Manalo, si Theoben Jerdan C. Orosa, ay nakalista bilang isa sa mga namumuhunan sa Eagle Broadcasting Corporation.

Iba pang mga tagapangaral ng ebanghelyo sa telebisyon

Dalawa pang popular na tagapangaral ng ebanhelyo sa telebisyon ay mga blocktimer na nagsasahimpapawid ng kanilang mga programa tungkol sa relihiyon: si Mariano “Brother Mike” Velarde ng El Shaddai, at Eliseo “Brother Eli” Soriano ng Members Church of God International, o mas kilala bilang Ang Dating Daan.

Ang iba pang mga relihyon ay nagsasahimpapawid ng kanilang nga programa sa himpilan ng gobyerno na IBC 13. Ito ang Pentecostal Missionary Church of Christ (4th Watch), ang Kerygma TV ng simbahang Katolika at El Shaddai.

Sources

The Big Chill at GMA-7 (2006), Accessed 24 October 2016
GMA Network launches GMA News TV (2011), Accessed 24 October 2016
GMA News TV goes on air (2011), Accessed 24 October 2016
GMA Definitive Information Statement ASM (2016), Accessed 24 October 2016
The truth shall set us free: The role of Church-owned radio stations in the Philippines (2011), Accessed 16 November 2016
Radyo Veritas role in Edsa I recalled (2015), Accessed 16 November 2016
Edsa 20/20: The first few hours on Radio Veritas (2006), Accessed 16 November 2016
Religion in the Philippines (n.d.), Accessed 16 November 2016
Part 1: Who is Glicerio Santos Jr in the Iglesia ni Cristo? (2015), Accessed 10 November 2016
Bloc voting: Presidents backed by Iglesia Ni Cristo (2015), Accessed 10 October 2016
Distortions (2015), Accessed 15 October 2016
House of Manalo divided (2015), Accessed 26 October 2016
Drama at Iglesia Ni Cristo (2016), Accessed 30 October 2016
2016. Securities and Exchange Commission. General Information Sheet of GMA Network Incorporated (available upon request at SEC)
2016. Securities and Exchange Commission. General Information Sheet of Eagle Broadcasting Corporation (available upon request at SEC)
2016. Securities and Exchange Commission. General Information Sheet of Solar Entertainment Corporation (available upon request at SEC)
2016. Securities and Exchange Commission. General Information Sheet of Southern Broadcasting Network (available upon request at SEC)
Securities and Exchange Commission. General Information Sheet of Christian Era Broadcasting Service International (available upon request at SEC)

  • Project by
    VERA Files
  •  
    Global Media Registry
  • Funded by
    BMZ