This is an automatically generated PDF version of the online resource philippines.mom-gmr.org/en/ retrieved on 2024/10/11 at 11:02
Global Media Registry (GMR) & VERA Files - all rights reserved, published under Creative Commons Attribution-NoDerivatives 4.0 International License.
VERA Files LOGO
Global Media Registry

Data Privacy Act makakasira sa transparency sa pagmamay-ari

Ipinapalagay na malaking hakbang tungo sa transparency sa negosyo ang kakayahan ng madla na makuha ang impormasyon tungkol sa mga korporasyon sa bansa sa pamamagitan ng Reverse Search facility ng Securities and Exchange Commission (SEC).

Inilunsad noong 2008, ang Reverse Search Module (RSM) ay idinisenyo para mabigyan ang madla ng kakayahan na makakuha ng impormasyon tungkol sa isang kumpanya tulad ng mga orihinal na kasapi ng isang korporasyon, ang kanilang kaugnayan sa mga ibang kumpanya, at mga kaugnayang kaso.

Pero hindi na maaaring magamit ang pasilidad na ito.

Sa isang sulat sa VERA Files noong Hulyo, sinabi ng SEC na ang pag gamit ng publiko sa RSM ay inihinto matapos muling tayahin ng komisyon ang pananagutan nito sa ilalim ng Data Privacy Act (DPA).

Ang Republic Act 10173 o the Data Privacy Act ay isinabatas noong 2012 para “pangalagaan ang indibidwal na personal na impormasyon na nasa mga sistema ng impormasyon at komunikasyon ng gobyerno at pribadong sektor.”

“Ang datos na makukuha gamit ang RSM ay mayroong sensitibong personal na impormasyon at ang kakayahan ng madla na makuha ang mga impormasyon na ito ay sa karaniwang ipinagbabawal sa ilalim ng DPA maliban na lang kung ang paksa ng datos na hinahanap ay nagbigay ng kanyang pahintulot,” sabi ng liham ng SEC.

Sa ilalim ng batas, ang pahintulot ay kailangang nakasulat, electronic o naka rekord.

“Gayunman, maaaring ikatwiran na ang aplikasyon para sa pagpo-proseso ng datos sa SEC at ang impormasyon na makukuha ay gagamitin para pamamahayag,” dagdag ng liham.

Maliwanag na ipinahayag sa batas na hindi nito sakop ang “personal na impormasyon na pinoproseso para magamit sa pamamahayag, sining, pampanitikan o pananaliksik.” (Sec. 4(d))

Hiniling ng SEC sa Department of Justice (DOJ) na mamagitan at magbigay ng legal na opinyon tungkol sa paksa.

Ipinasa naman ng DOJ ang pagpapasya sa isyu sa bagong tatag na National Privacy Commission (NPC), isang nagsasariling tanggapan na binuo para pamahalaan at ipatupad ang DPA.

  • Project by
    VERA Files
  •  
    Global Media Registry
  • Funded by
    BMZ