This is an automatically generated PDF version of the online resource philippines.mom-gmr.org/en/ retrieved on 2024/09/08 at 17:20
Global Media Registry (GMR) & VERA Files - all rights reserved, published under Creative Commons Attribution-NoDerivatives 4.0 International License.
VERA Files LOGO
Global Media Registry

Mga kadalasang tanong at sagot

1. Ano ang MOM?

Ang "Media Ownership Monitor" (MOM) ay binuo para magamit ng publiko sa pagbabalangkas, patuloy na pagsasapanahon ng database na naglilista ng mga may-ari ng lahat ng naaangkop na kumpanya ng mass media (babasahin, radyo, sektor ng telebisyon at online media).

Layunin ng MOM na maipaliwanag ang mga panganib sa media pluralism dulot ng konsentrasyon ng pagmamay-ari ng media (para sa karagdagang impormasyon: Pamamaraan Para makuha ang mga pambansang katangian at malaman ang mga kadahilanan ng paglakas o paghina ng panganib sa konsentrasyon ng media, inaalam ng MOM ang kalagayan ng merkado at umiiral na mga batas sa lugar.

2. Sino ang nasa likod ng MOM?

Mula noong 2015, ang MOM ay pinangalagaan ng Reporter ohne Grenzen e. V. – ang German section ng international human rights organization na Reporters Without Borders (Reporters sans frontières, RSF), na naglalayong ipagtanggol ang kalayaan sa pamamahayag at ang karapatang ipaalam at maging maalam saanman sa mundo.

Noong 2019, ang proyekto ay nag bunga at naging Global Media Registry (GMR), isang independyenteng not-for-profit social enterprise na nakarehistro sa ilalim ng batas ng Germany.

Sa bawat bansa, ipinatutupad ang MOM sa pakikipagtulungan ng isang local partner organization. Sa Pilipinas, ang RSF ay katrabaho ng VERA Files. Ang proyekto ay pinondohan ng German Federal Ministry of Economic Development and Cooperation (BMZ).

3. Saan ko mada-download ang ulat na ito?

Ang website ay may PDF download na naglalaman ng lahat ng website content. Ang PDF ay awtomatikong nabuo at sa gayon ay naa-update araw-araw. Ito ay umiiral para sa lahat ng mga wika sa website. Upang mabuo ang PDF, mag-scroll pababa sa website footer, piliin ang iyong gustong wika at "i-download ang kumpletong website bilang PDF.”

4. Bakit mahalaga na may transparency sa pagmamay-ari ng media?

Ang media pluralism ay mahalagang aspekto ng demokratikong lipunan bilang malaya, nagsasarili at nakikita sa magkakaibang media ang iba't ibang paniniwala at hinahayaan ang pagpuna sa mga taong may kapangyarihan.Ang mga panganib sa pagkakaiba-iba ng mga ideya ay sanhi ng media market concentration, kung saan iilan lang ang may nangingibabaw na impluwensya sa opinyon ng pamayanan at naglalagay ng mga hadlang sa pagpasok ng ibang mga manlalaro at perspektiba (konsentrasyon ng pagmamay-ari ng media). Ang pinakamalaking balakid na kailangan labanan ay ang kakulangan ng transparency sa pagmamay-ari ng media: Paano tatasahan ng tao kung mapagkakatiwalaan ang impormasyon kung hindi nila kilala ang nagbibigay nito? Paano makapagtratrabaho nang maayos ang mamamahayag kung hindi nila kilala ang kumokontrol sa kumpanya na kanilang pinaglilingkuran? At paano tutugunan ng mga awtoridad ng media ang labis na konsentrasyon ng media kung hindi nila kilala sino ang nasa likod nito?

Layunin ng MOM na magkaroon ng transparency at sagutin ang katanungan na "sino sa bandang huli ang may kontrol sa laman ng media?" para itaas ang pampublikong kamalayan, lumikha ng pundasyon ng katotohanan para sa adbokasiya na panagutin sa umiiral na kondisyon ang mga taong nagpapaikot ng pulitika at ekonomiya.

Habang isinasaalang-alang ang transparency sa pagmamay-ari bilang mahalagang unang kondisyon para maipatupad ang media pluralism, idinu-dokumento ang pagkabukas ng isip ng mga kumpanya ng media sa pagbibigay ng impormasyon kaugnay ng balangkas ng pagmamay-ari ng kanilang mga kumpanya. Base sa kanilang mga sagot, nakikilala ang kaibahan ng mga antas ng transparency na ipinahihiwatig ng profile ng bawat ahensiya at kumpanya ng media.    

5. Anong klase ng concentration control ang iminumungkahi ng MOM?

Ang MOM ay hindi gumagawa ng pahayag na may paghuhusga -- hindi ito nagmumungkahi paano ikontrol ang pagmamay-ari ng media. Ang uri ng kontrol sa konsentrasyon ng media na gagana ay depende sa konteksto ng bansa, sa umiiral na batas at kondisyon ng merkado, at pagmamay-ari (ng mga kumpanya ng media).

Ang MOM ay nagbibigay ng transparency tool para maipatupad ang demokratikong pagtatalakay sa isyu at mabuting pamamahala: ang mga desisyon ay malamang na mas mataas ang kalidad at para mas mahusay maipakita ang mga pangangailangan at nais ng madla kung sila ay may kakayahan makakuha ng sapat na impormasyon at malawak na mga konsultasyon, na may mga paniwala at opinyon na malayang naibabahagi.

6. Paano tinitipon at kinukumpirma ang impormasyon?

Mas mabuti na gamitin ang opisyal na pinagkukunan ng data, at/o taong nagbibigay ng impormasyon na may mataas na antas ng pagkamaaasahan at pagkamapagkakatiwalaan.

Ang lahat ng pinagkukunan (ng data) ay dinu-dokumento nang lubusan at inilalagay sa archive.

Para sa data tungkol sa babasahin, telebisyon, at radyo, ang MOM ay nakipagtulungan sa Nielsen Philipines (Audience Data Print/Radio/TV, Enero-Agosto 2016). Ang sinusunod ng Nielsel sa buong mundo sa pagkuha ng data kaugnay ng paggamit ng media ay alinsunod sa pamantayan at saraling pamamaraan.

- Effective Measure (Audience Data Online, July 2016) Epektibong Sukatan

- National Telecommunication Commission (NTC)

Upang magarantiyahan at mapatunayan na patas ang pagsusuri, nakipagtulungan ang MOM sa isang lupon ng tagapagpayo na nagkomento at kinonsulta sa buong proseso ng pananaliksik.Ito ay binubuo ng mga espesyalista sa bansa na may malawak na kaalaman at karanasan sa media at larang ng komunikasyon. Ang mga sumusunod na eksperto ay kasama sa proseso ng pananaliksik:   

 - Rachel Khan, University of the Philippines

- Jeremaiah Opiniano, University of Santo Tomas

- Romel Bagares (CenterLaw)

- Luz Rimban, VERA Files

- Yvonne Chua, VERA Files

7. Paano tinukoy ang "pinakamakabulhang media"?

Ang pangunahing tanong ay: anu-anong ahensiya ng media ang nagi-impluwensya sa proseso ng pagbuo ng opinyon? Para masuring mabuti ang lahat ng pinakamakabulhang media, isinama ang lahat ng tradisyunal na klase ng media (babasahin, radyo, telebisyon, online).

Ang media ay pinili ayon sa mga sumusunod na pamantayan:

 

  • Karamihan sa tinutukan ng MOM ay media na may pinakamataas na maaabot na sinusukat gamit ang audience share.  Ang basehan ng pagpili ay ang pinakahuling audience research data mula sa Nielsen (babasahin, radyo, telebisyon; Enero-Agosto 2016) at Effective Measure (online, Hulyo 2016).
  • Kahalagahan ng balita at laman ng opinyon. Nakatutok ang pag-aaral sa pangkalahatang impormasyon na may pokus sa buong bansa. Dahil dito, ang media na may pampakay na pokus (musika, palakasan), social networks, search engines at palatastas ay hindi isinama.
  • Sa umpisa, sampung ahensya ng media sa bawat uri ng media (telebisyon, radyo, babasahin, online) ang napili ayon sa mga pamantayang ito.  Sa pagliliwanag sa mga pinakamakabulhang ahensya ng mediang ito nakikita na ang pagkiling sa konsentrasyon ng meahensya ng mediang ito nakikita na ang pagkiling sa konsentrasyon ng media. Marami pang ahensya ng media ang nadagdag at idadagdag -- kung may patunay na sila ay angkop sa mga tuntunin ng kanilang may-ari o sa kanilang impluwensya sa opinyon ng madla (magbasa ng higit pa -- "Paano pinipili ang mga ahensya ng media?").

8. Paano pinipili ang mga ahensya ng media?

Ang mga istasyon ng telebisyon ay pinili ayon sa naaabot na manonood sa buong bansa, batay sa TV Audience Measurement ng Nielsen (Enero-Agosto 2016). May pitong hakbang sa sistema ng Nielsen, kasama dito ang ibang survey at electronic tracking ng paggamit ng telebisyon sa piling mga sambahayan.    

Ang mga istasyon ng radyo ay pinili ayon sa Radio Audience Measure (RAM) ng Nielsen -- isang pag-aaral na humiling sa mga taong sumagot sa katanungan na ilista sa isang radio diary (maliit na libro) ang labing limang minuto nilang pakikinig sa radyo araw araw sa loob ng pitong araw. Sinusundan ng RAM ang Mega Manila buwanan, samantalang sinusundan nito ang ibang mga mahalagang siyudad tuwing anim na buwan. Dahil ang data na ito ng radyo ay hiwalay na sinusukat ayon sa lugar, pinili ng MOM na gamitin ang data at karamihan ng radyo para sa Mega Manila dahil sa pagkakahiwa-hiwalay (ng lugar) at pagkakaiba.

Ang pagpili ay mas tumutok sa mga istasyon ng radyo na AM (medium wave) dahil

- may mas malaki silang tagasubaybay -- kahit sa mga lungsod kung saan may pagpipiliang alternatibo na FM

- sila ay pinakikinggan para sa balita at mga usapang programa ng radyo samantalang ang FM ay mas nagsasahimpapawid ng musika (Source: info as aid (2012): The Philippines. Media and telecoms landscape guide)

Bilang eksepsyon, ang FM Radyo5 ay isinama dahil nagbo-brodkas ito ng balita.

Ang mga kumpanya ng babasahin ay pinili ayon sa:

- gaano kalawak ang kanilang naabot na manonood o mambabasa batay sa "Consumer and Media View ng Nielsen (Enero-Agosto 2016), isang komprehensibong pag-aaral tungkol sa gawi kaugnay ng media, paggamit ng produkto at pamumuhay ng mamimili sa Metro Manila at ibang malalaking siyudad sa Pilipinas. Mula 1993, 2500 katao mula sa lahat ng antas ng pamumuhay ay kinakapanayam gamit ang nakabalangkas na talaan ng mga katanungan kada tatlong buwan.

- ang dalas ng paglabas ng kanilang publikasyon. Ang mga napiling ahensya ng media ay kailangan isapanahon kada linggo pati na ang kasalukuyang nilalaman.

- ang kanilang kabuluhan/kahalagahan sa mga gumagawa ng desisyon: Ang merkado ng babasahin ay maaaring hatiin sa mga tabloid at broadsheet. Ang mga tabloid, na nakapokus sa sensasyonalismo at entertainment, ang may pinakamalaking benta sa lahat: ang kanilang naaabot ay mas malawak pati na ang kanilang ipinapalagay na impluwensya sa opinyon ng madla. Pinili ang mga ito na may prioridad. Sa kabilang dako, ang mga broadsheet ay binabasa ng mga gumagawa ng batas, polisiya at desisyon. Sa kadahilanang ito -- at dahil ang mga artikulo sa broadsheet ay madalas pulutin ng social media at ikalat sa internet -- pinag-aralan din ng MOM ang tatlong broadsheet: BusinessMirror, BusinessWorld, SunStar.

Para sa merkado ng online, pangunahing website na naghahatid ng balita ang tinignan dahil bumubuo ito ng opinyon ng madla. Ang mga social network, tindahan online at website ng mga patalastas ay hindi isinama dahil wala silang kaugnayan sa editoryal na nilalaman at pagmamay-ari.

Noong 2011, ang mga malalaking kumpanya ng online media publishing sa bansa ay pumirma ng kasunduan na gumamit ng iisang pamantayan para sa pagsukat ng online audience (link http://news.abs-cbn.com/-depth/02/28/11/online-publishers-sign-accord-common-audience-measurement). Mga executive mula sa ABS-CBN Interactive, GMA New Media, Inquirer Interactive, BusinessWorld, Philippine Star, and Summit Media/Philippine Entertainment Portal ang pumirma sa Memorandum of Understanding na pumipili sa Effective Measure bilang kanilang provider ng audience measurement analytics. Gayunman, ngayong 2016, ilan sa mga pinakamahalagang player (GMA New Media, Inquirer Interactive, Philippine Star) ay kumalas na sa kasunduan -- parang dahil hindi sila nailista bilang N°1 at nangamba na masira ang kanilang reputasyon.

Para maisama pa rin ang lahat ng malaking player sa online market, ikinumpara ang pangunahing mga website sa Effective Measure (Hulyo 2016, ayon sa Unique Visitors) sa mga news website sa Alexa. Ang Alexa ay isang internasyunal ka kumpanya na nagpapakita ng kahalagahan/kabuluhan ng gmanetwork.com [alexa rank=6], inquirer.net [10], rappler.com [7], philstar.net [25], na aming naisama.

9. Bakit Pilipinas?

Ang Pilipinas ay pang 138 sa 180 na mga bansa sa 2016 World Press Freedom Index na inilathala ng Reporters Without Borders (https://rsf.org/en/philippines), na nagbibigay ng ranggo sa mga bansa batay sa mga palatandaan tulad ng malayang media, self-censorship, alituntunin ng batas, transparency at mga abuso. Itinuturo ng resultang ito ang mga problema na kinahaharap ng Pilipinas kaugnay ng malayang pamamahayag, kasama na ang ma-problemang relasyon sa media pluralism, malayang media at transparency. Ipinakikita nito ang Pilipinas bilang isang bansa na kailangan ng malalimang pagtingin sa panganib ng konsentrasyon ng pagmamay-ari ng media.

Higit pa rito, hindi katulad ng ibang mga bansa sa rehiyon, ang mga samahan sa civil society tulad ng local partner na VERA Files ay malayang nakakikilos kaya't ito ay naipatupad.

10. Sa Pilipinas lang ba may MOM?

Ang MOM ay nabuo bilang isang panlahat na pamamaraan na maaaring magamit kahit saan -- at may potensiyal na mangyari. Sa kabila ng pagiging kapansin-pansin na kalakaran ng konsentrasyon ng media sa buong mundo, ang implementasyon at pagsusuri ay unang magaganap sa mga developing na bansa. Ang MOM ay ipinatupad sa Cambodia at Colombia (2015), Tunisia, Turkey, Ukraine, Peru at Mongolia (2016). Ang lahat ng mga proyekto sa mga bansa ay makikita sa global website

11. Ano ang mga pangunahing limitasyon ng pag-aaral?

  • Walang economic data: Ang konsentrasyon ng merkado ayon sa market share ay hindi makalkula dahil ang kumpleto at kapani-paniwalang numero ay hindi magagamit ng publiko. Ibinahagi ito ng ilang kumpanya ng babasahin nang hilingin at ito ay inilista sa kanilang media outlet profile.
  • Ang opisyla na data kaugnay ng audice measurement ay hindi magagamit ng publiko; ito ay ibinebenta ng mga kumpanyang nagsasaliksik.
  • Bagaman mayroon data kaugnay ng pagmamay-ari ng korporasyon sa Securities and Exchange Commission, ang pagkuha dito ay magastos at magulo. Ang reverse searching o ang proseso ng paghahanap sa ibang korporasyon sa SEC I-View portal ay itinigil na pagkatapos maisabatas ang Data Privacy Act ng 2012.

12. Sino ang puntirya?

Ang data base    

 

  • pinahihintulutan ang bawat mamamayan na makaalam sa sistema ng media sa pangkalahatan; 
  •  gumawa ng pundasyon ng katotohanan para sa adbokasiya ng civil society para higit pang isulong ang pampublikong kaalaman sa pagmamay-ari ng media at konsentrasyon;
  • ay punto ng sanggunian para sa mga kumokonsultang competition authorities o sangay ng gobyerno kung nagtatatag ng angkop na mga panukalang regulasyon para pangalagaan ang media pluralism.    

 

 

 

13. Ano ang susunod na mangyayari o gagawin?

Ang database ay isang snapshot ng kasalukuyang sitwasyon, batay sa kabuuang nangyari sa kasaysayan. Ito ay palaging isasapanahon ng VERA FIles.

14. May kahalintulad ba itong mga proyekto?

 

Pangunahing inspirasyon ng Media Ownership Monitor ang dalawang katulad na proyekto. Lalo na ang mga tagapagpahiwatig para sa susunod na ranggo ay lubos na umasa sa pinondohan ng EU na Media Pluralism Monitor ng Center for Media Pluralism and Media Freedom (CMPF) sa European University Institute (EUI, Florence). Higit pa rito, ang Media Pedia, isang ownership database na binuo ng mga investigative journalist sa Macedonia ay nagsilbing inspirasyon para sa Media Ownership Monitor. Ang isang pangkalahatang-ideya sa iba pang katulad na mga proyekto ay makikita sa talahanayan sa ibaba.

ORGANIZATION

DESCRIPTION

Access Info 

Isang Spanish NGO na nagtatrabaho sa larangan ng transparency ng pagmamay-ari ng media sa ilang bansa sa Europa.

Article 19

Isang NGO na nagtatrabaho sa larangan ng kalayaan sa pamamahayag. Nagpapatupad ito ng mga proyekto sa konsentrasyon ng media.

Deutsche Welle

Ang Media Freedom Navigator ng Deutsche Welle ay nagbibigay ng pangkalahatang-ideya ng iba't ibang mga indeks ng kalayaan ng media.

European Audiovisual Observatory

Isang database ng mga serbisyo sa telebisyon at audiovisual sa Europe.

European Journalism Center

 

Ang Website ay nagbibigay ng buod at analysis ng estado ng media sa Europa at mga kalapit na bansa.

 

European University Institute in Florence

Sinusuri ng Media Pluralism Monitor ang mga panganib para sa media pluralism sa EU Member States.

IFEX

Nagbibigay ang network ng impormasyon sa estado ng media sa maraming bansa.

IREX

Ang Media Sustainability Index (MSI) ay nagbibigay ng mga analysis sa mga kondisyon ng independiyenteng media sa 80 bansa.

mediaUk

Ang Website ay nagbibigay ng impormasyon tungkol sa pagmamay-ari ng media sa Great Britain.

Pew Research Center

Ang organisasyon ay naglalathala ng isang interactive na database tungkol sa media sa United States.

SEENPM

Sinusubaybayan ang pagmamay-ari ng media at ang epekto sa pluralismo ng media sa timog-silangang Europe at EU member states.

The Columbia Institute for Tele-Information at Columbia Business School

Isang pananaliksik na ginagawa ng mga manunulat mula sa 30 bansa sa buong mundo tungkol sa konsentrasyon ng media gamit ang isang karaniwang pamamaraan.

The Institute for Media and Communication Policy

Isang database ng mga international na korporasyon ng pinakamalaking media sa mundo.

UNESCO

Media Development Indicators - Isang balangkas para sa pagtatasa ng takbo ng media.

  • Project by
    VERA Files
  •  
    Global Media Registry
  • Funded by
    BMZ