This is an automatically generated PDF version of the online resource philippines.mom-gmr.org/en/ retrieved on 2024/09/08 at 18:00
Global Media Registry (GMR) & VERA Files - all rights reserved, published under Creative Commons Attribution-NoDerivatives 4.0 International License.
VERA Files LOGO
Global Media Registry

Pamamaraan

Teorya: Media pluralism bilang susi sa demokratikong lipunan

Ang media pluralism ay mahalagang aspekto ng demokratikong lipunan na malaya, nagsasarili at nakikita sa magkakaibang media ang iba't ibang paniniwala at hinahayaan ang pagpuna sa mga taong may kapangyarihan. 

Karaniwan, makikilala ang internal media pluralism na tumutukoy kung paano makikita ang panlipunan at pampulitikang pagkakaiba sa nilalaman ng media (halimbawa, pagkakatawan ng iba't ibang grupong pangkultura, magkakaibang pampulitika o ideolohiyang paniniwala). Ang external media pluralism, sa kabilang dako, sumasaklaw sa bilang at balangkas ng mga may-ari ng media na tinatawag din na "plurality" ng mga supplier.

Ang mga panganib sa pagpalaganap ng magkakaibang ideya ay sanhi ng konsentrasyon ng media sa maliit na grupo, ang kabaligtaran ng media pluralism.

  • kung iilan lang ang may nangingibabaw na impluwensya sa opinyon ng pamayanan at naglalagay ng mga hadlang sa pagpasok ng ibang mga manlalaro at perspektiba (konsentrasyon ng pagmamay-ari ng media); 
  • kung ang nilalaman ng media ay pare-pareho at nakatuon lamang sa mga ispesipikong paksa, tao, ideya at opinyon (konsentrasyon ng nilalaman ng media);
  • kung ang mga tao ay nagbabasa, nanonood, at nakikinig sa iilang ahensya ng media lamang (konsentrasyon ng sumusubaybay sa media).

Layunin: Gawing maliwanag ang pagmamay-ari ng media

Marami man dimensiyon, anyo at panganib ang media pluralism, ang MOM ay nakatutok sa external pluralism, lalo na sa konsentrasyon ng pagmamay-ari ng media bilang posibleng banta sa media pluralism.

Ang pinakamalaking balakid na kailangan labanan ay ang kakulangan ng transparency sa pagmamay-ari ng media: Paano tatasahan ng tao kung mapagkakatiwalaan ang impormasyon kung hindi nila kilala ang nagbibigay nito? Paano makapagtratrabaho nang maayos ang mamamahayag kung hindi nila kilala ang kumokontrol sa kumpanya na kanilang pinaglilingkuran? At paano tutugunan ng mga awtoridad ng media ang labis na konsentrasyon ng media kung hindi nila kilala sino ang nasa likod nito?

Layunin ng MOM na magkaroon ng transparency at sagutin ang katanungan na "sino sa bandang huli ang may kontrol sa laman ng media?"    

  • sa pamamagitan ng pagbibigay-alam tungkol sa may-ari ng mga pinakamahalagang kumpanya ng media sa iba't ibang uri ng media (telebisyon, radyo, internet, babasahin) at ang kanilang mga koneksiyon;    
  • sa pamamagitan ng pagsusuri sa maaaring impluwensiya sa proseso ng pagbuo ng pampublikong opinyon ayon sa konsentrasyon ng mga sumusubaybay (mga nakikinig, nanonood o nagbabasa);    
  • sa pamamagitan ng pagliliwanag sa regulasyon kaugnay ng pagmamay-ari at konsentrasyon ng media, pati na ang pagpapatupad ng patakaran para sa proteksyon (ng mga nakikinig, nanonood o nagbabasa).    

Paraan: Pagtipon ng impormasyon at fieldwork

Base sa panlahat na pamamaraan, ang "Media Ownership Monitor" (MOM) ay nabuo bilang mapping exercise na magagamit ng publiko at patuloy na itinatama sa panahon na database ng listahan ng mga may-ari ng lahat ng angkop na kumpanya ng mass media. Nililinaw nito kung sino ang may-ari ng media, ano ang kanilang mga interes at koneksiyon, ang hangganan ng ugnayan at samakatuwid, sino ang tunay na may potensyal na impluwensiya sa opinyon ng mamamayan. Ang fieldwork ay hindi lamang nakapuntirya sa pagkilala kung sino ang nakapusta, kundi pati ang pag-imbestiga sino ang talagang may kontrol ng media. Bukod ito, nagbibigay ang MOM ng konteksto at pagsusuri sa husay (ng media) sa pamamagitan ng pagtatasa ng kani-kanyang merkado at umiiral na batas sa mga bansa.

Ang pagtitipon ng data ay ginawa ng lokal na research team ng VERA Files sa pakikipagtulungan sa Reporters Without Borders (RSF).

Instrumento: MOM-gabay sa gumagamit

Ang pagtitipon ng data ay ginawa alinsunod sa detalyadong gabay sa gumagamit, sumasakop sa mga sumusunod na mga seksyon: 

  • Seksyon A "Context" ay nagbibigay ng unang sulyap sa merkado ng media at kondisyon ng kapaligiran tulad ng balangkas ng patakaran sa mga isyu kaugnay ng pagmamay-ari, impormasyon tungkol sa bansa, at data patungkol sa media. Nakatutulong ang seksyon na ito para mas maintindihan ang mga natuklasan sa mga susunod na seksyon at bigyan ng kahulugan batay sa kabuuang sitwasyon ang mga tinatayang panganib sa media plurality.    
  • Sa Seksyon B "Media Market", ang mga uri ng media na may kaugnayan sa pagbuo ng kuro-kuro ay napagkasunduan batay sa maaabot nitong madla. Kadalasan sampung kumpanya ng media kada uri ng media - telebisyon, radyo, babasahin at internet - ang pinili.    
  • Sa Seksyon C "Ownership," ang may-ari/ shareholder/ mga taong may impluwensya sa pinakamakabuluhan na media ang sinaliksik. Ang mga pangunahing kumpanya ng media ay inilarawan ayon sa kabuhayan (kaugnay ng kanilang kinikita) at inimbestigahan tungkol sa pagmamay-ari.
  • Sa Seksyon D "Indicators" ipinaliwanag ang mga palatandaan na ginagamit sa pagkalkula ng indikasyon ng panganib sa media pluralism dulot ng partikular na antas ng kontrol sa pagmamay-ari ng media.

Ang Gabay sa Gumagamit ay nabuo batay sa umiiral na pagmamay-ari ng media at pagsasaliksik tungkol sa media pluralism. Ang mga palatandaan ay hango sa at itinugma sa pinondohan ng EU na (Media Pluralism Monitor) ng Centre for Media Pluralism and Media Freedom [(CMPF) sa European University Institute (EUI, Florence).

  • Project by
    VERA Files
  •  
    Global Media Registry
  • Funded by
    BMZ