Halaga ng pagmamay-ari ng media
Naiimpluwensiyahan ng mass media kung paano titignan at pagtatalunan ang impormasyon sa lipunan. Ang pagsasarili at pluralismo ng media, gayundin ng mga opinyon at pananaw ng madla—pati na ang kritisismo ng mga taong nakaluklok sa kapangyarihan—ay proteksyon ng isang masiglang demokratikong sistema. Ang pagsubaybay at pagtitiyak sa pluralismo ng pagmamay-ari ay unang hakbang tungo sa pagsasarili at kalayaang pumili:
Paano tatasahan ng tao ang pagkamapagkakatiwalaan ng impormasyon kung hindi nila kilala ang nagbibigay nito? Paano makapagtatrabaho nang maayos ang mamamahayag kung hindi nila kilala ang kumokontrol sa kumpanya na kanilang pinagtatrabahuhan? At paano haharapin ng mga otoridad ng media ang labis na konsentrasyon sa media kung hindi nila kilala kung sino ang nagpapatakbo nito?
Ang balangkas ng pagmamay-ari ay maaaring makaapekto rin sa kung paano pangangasiwaan ng industriya ng media ang mga pangangailangan nito. Ito rin ang siyang humuhubog sa lakas ng ekonomiya at husay ng sektor ng media. Ito ang partikular na interes ng mga potensiyal na mamumuhunan.